Mga Inisyatibo sa Pasko ng Pagkabuhay
Mga Turo tungkol sa Mas Mataas na Batas


“Mga Turo tungkol sa Mas Mataas na Batas,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)

Miyerkules, Marso 27

Mga Turo tungkol sa Mas Mataas na Batas

“Anupa’t nais ko na kayo ay maging sakdal na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay sakdal” (3 Nephi 12:48).

Larawan
Scene from BOM video

Gaya ng mga disipulo ni Jesus na nagtipon para marinig ang Sermon sa Bundok sa Galilea, naipamuhay ng mga taong nagtipon sa templo sa Masagana (Bountiful) ang batas ni Moises. Gayunman, noong nagturo siya, inanyayahan ni Jesus ang mga tao na mamuhay ayon sa mas mataas na batas, sinasabing, “Ang mga yaong bagay noong unang panahon na nasa ilalim ng batas, sa akin ito ay natupad na lahat. Ang mga lumang bagay ay lumipas na, at lahat ng bagay ay naging bago” (3 Nephi 12:46–47).

Sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2023, hinikayat tayo ni Pangulong Russell M. Nelson na mamuhay sa mas mataas at mas banal na paraan. Itinuro niya:

Bilang mga disipulo ni Jesucristo, dapat tayong maging halimbawa kung paano pakitunguhan ang iba—lalo na kapag magkakaiba ang ating opinyon. Isa sa mga pinakamadadaling paraan para makilala ang isang tunay na tagasunod ni Jesucristo ay kung [paano] niya tinatrato nang may pagkahabag ang ibang tao. …

Nilinaw ito ng Tagapagligtas sa Kanyang mga sermon sa Kanyang mga tagasunod sa magkabilang panig ng mundo. “Mapapalad ang mga mapagpayapa,” ang sabi Niya. …

Malinaw ang mensahe ng Tagapagligtas: Ang Kanyang tunay na mga disipulo ay nagpapatatag, nagpapasigla, naghihikayat, at nagbibigay-inspirasyon—gaano man kahirap ang sitwasyon. Ang tunay na mga disipulo ni Jesucristo ay mga tagapamayapa. …

… Napakahalaga kung paano natin pakitunguhan ang isa’t isa! Napakahalaga kung paano natin kinakausap at pinag-uusapan ang ibang tao sa tahanan, sa simbahan, sa trabaho, at online. Ngayon, hinihiling ko sa atin na makipag-ugnayan sa iba sa mas dakila at mas banal na paraan. (“Kailangan ng mga Tagapamayapa,” Liahona, Mayo 2023, 98–99)

Basahin at Pagnilayan

Habang binabasa ang mga turo ni Jesus sa itaas, ano ang naisip o nahikayat kayong gawin para masunod si Jesucristo?

Umawit

Magsisunod Kayo sa Akin,” Mga Himno, blg. 67

Print