Mga Inisyatibo sa Pasko ng Pagkabuhay
Tungkol sa Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay


“Tungkol sa Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)

Tungkol sa Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay

“Sapagkat nalalaman kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. “Wala siya rito: sapagkat siya’y binuhay” (Mateo 28:5–6).

Sina Cristo at Maria sa Libingan, ni Joseph Brickey

Ang planong ito sa pag-aaral ay naglalaan ng pang-araw-araw na inspirasyon para tulungang palakasin ang inyong pananampalataya kay Jesucristo ngayong Pasko ng Pagkabuhay. Napapaloob sa plano ang mga salaysay mula sa ministeryo ng Tagapagligtas sa lupain ng Israel, gayundin ang Kanyang ministeryo sa sinaunang Amerika matapos Niyang Mabuhay na Mag-uli. Maaari kayong magpasiya kung gagawin ang isa o pareho sa dalawa sa pagpapasigla sa inyong pagsamba ngayong Pasko ng Pagkabuhay.

Painting depicting two scenes from the life of Jesus Christ. The left side of the painting portrays the Crucifixion of Christ in Jerusalem. A design of the Old World continents is in the background. A copy of the Bible is depicted at the top of the continents. The right side of the painting displays Christ visiting the Nephites in the Americas. Designs showing the continents of the New World are in the background. A copy of the Book of Mormon is on top of the continents. The painting illustrates the concept that both the Book of Mormon and Bible testify of the divinity of Christ.

Sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson, “Kapag mas marami tayong alam tungkol sa ministeryo at misyon ng Tagapagligtas—mas nauunawaan natin ang Kanyang doktrina at ang ginawa Niya para sa atin—mas nalalaman natin na maibibigay Niya ang lakas na kailangan natin sa buhay.”1

Bagama’t hindi natin minsan alam ang mga eksaktong araw sa buong linggo kung kailan nangyari ang mga kaganapan sa banal na kasulatan, ang pang-araw-araw na iskedyul sa planong ito ay makatutulong na ituon ang inyong isipan sa mga pangyayaring nakapalibot sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Sa inyong pag-aaral, matutuklasan ninyo kung paano ihahabi ang Pagbabayad-sala at mga turo ni Jesucristo sa inyong buhay.

Jesus Christ descends from Heaven in a beam of light in front of a temple in Land Bountiful.

Ang pagbisita ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas sa mga tao ng sinaunang Amerika, na isinalaysay sa 3 Nephi, ay bahagi ng maluwalhating mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay. Inanyayahan tayong pag-aralan ang salaysay na ito ni Elder Gary E. Stevenson bilang bahagi ng ating karanasan sa Pasko ng Pagkabuhay. Itinuro niya: “Inaasam naming gawing bahagi rin ng aming tradisyon sa Pasko ng Pagkabuhay ang mga kabanatang ito sa 3 Nephi na tulad ng pagiging bahagi ng Lucas 2 ng aming tradisyon sa Pasko. Ang totoo, ibinabahagi ng Aklat ni Mormon ang pinakadakilang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Huwag hayaang mabalewala ang pinakadakilang kuwentong ito ng Pasko ng Pagkabuhay. Inaanyayahan ko kayong tingnan ang Aklat ni Mormon sa isang bagong pananaw at isaalang-alang ang malalim na patotoo nito sa realidad ng buhay na Cristo.”2

Ang mga talata sa Bagong Tipan at Aklat ni Mormon sa plano sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa inyo at sa inyong pamilya na palakasin ang patotoo ninyo kay Jesucristo bilang ating Tagapagligtas at Manunubos. Pag-isipang talakayin sa pamilya at mga interesadong kaibigan ang mga kabatiran o naunawaan mula sa plano sa pag-aaral na ito. Para sa karagdagang resources tungkol sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, tingnan ang lesson para sa Pasko ng Pagkabuhay sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa taong ito o bisitahin ang Easter.ComeUntoChrist.org.