6
Mga Halimbawa, Anino, at Simbolo ni Jesus ang Cristo
Pambungad
Ipinahayag ng mga propeta sa panahong ito na “pinasimulan [ni Jesucristo] ang sakramento bilang paalaala sa Kanyang dakilang mapagbayad-salang sakripisyo” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2). Bukod sa ordenansa ng sakramento, ang mga banal na kasulatan ay naghahayag sa atin ng tungkol sa maraming pangyayari, sitwasyon, bagay, at mga tao na ang layunin ay ipaalala at ituro sa atin ang hinggil sa misyon at ministeryo ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na pag-isipan ang ilan sa mga halimbawa, anino, at simbolo na nagpapaalala sa atin sa Tagapagligtas.
Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito
-
Russell M. Nelson, “In This Holy Land,” Tambuli, Peb. 1991, 10–19.
-
“Enrichment Section C: Symbolism and Typology in the Old Testament,” Old Testament Student Manual: Genesis–2 Samuel, Ika-3 ed. (Church Educational System manual, 2003), 111–15.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
2 Nephi 11:4; Moises 6:63
Mga simbolo ni Cristo sa banal na kasulatan
Magpakita ng ilang larawan ng mga kilalang tanda o simbolo na tulad ng mga sumusunod:
Matapos matukoy ng mga estudyante ang kahulugan ng bawat simbolo, sabihin sa kanila na magbigay ng mga halimbawa ng iba pang madaling makilalang tanda o simbolo.
Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa mga magkakapartner na pag-aralan at paghambingin ang 2 Nephi 11:4 at Moises 6:63. Sabihin sa kanila na talakayin kung ano ang magkapareho sa mga talatang ito at kung ano ang itinuturo ng mga ito tungkol kay Jesucristo at sa layunin ng mga likha ng Diyos. Matapos talakayin ng magkakapartner ang mga sagot nila, itanong sa klase:
-
Paano ninyo ihahayag ang isang pangunahing katotohanan na nakatala sa mga scripture passage na ito? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod na katotohanan: Lahat ng bagay ay nilikha upang magpatotoo tungkol kay Jesucristo.)
-
Ano ang ilang halimbawa ng mga bagay na “ibinigay ng Diyos” na “pagsasagisag” (2 Nephi 11:4), o sumisimbolo, kay Jesucristo?
Sabihin sa mga estudyante na lahat ng banal na kasulatan ay naglalaman ng mga halimbawa, anino, simbolo, at kahalintulad ni Jesucristo. Ipaliwanag na ang mga halimbawa, anino, simbolo, at kahalintulad ay sumasagisag sa mas mahahalagang katotohanan. Halimbawa, ang Liahona na inilarawan sa Aklat ni Mormon ay sumasagisag sa mga salita ni Cristo. Sa bahaging ito ng lesson, magpopokus tayo sa mga halimbawa at matalinghagang paglalarawan na makikita sa Lumang Tipan. Karamihan sa matalinghagang paglalarawan na ito ay sa anyo ng mga tao, bagay, pangyayari, at sitwasyon (maaaring makatulong na isulat sa pisara ang mga kategoryang ito). Isulat ang mga sumusunod na scripture reference sa pisara, o gawin itong handout at ibigay sa mga estudyante:
Mga Halimbawa, Anino, at Simbolo ni Jesus ang Cristo
Mga Halimbawa, Anino, at Simbolo ni Cristo sa Lumang Tipan |
Katuparan sa Buhay ni Cristo |
---|---|
Mag-assign ng isa o mahigit pang mga estudyante para pag-aralan ang bawat set ng mga scripture passage at maghandang ipaliwanag ang simbolismo sa Lumang Tipan at kung paano ito sumasagisag kay Jesucristo. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.
Kung may oras pa, maaari mo ring talakayin ang ilan sa mga simbolo ni Cristo na tinukoy ni Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol sa kanyang artikulong “In This Holy Land” (Tambuli, Peb. 1991, 10–19).
Ipatalakay sa buong klase ang mga sumusunod na tanong:
-
Sa inyong palagay, bakit nilikha ang lahat ng bagay upang kumatawan o sumagisag sa Tagapagligtas?
-
Ano ang kahalagahan ng patuloy na pagsisikap na matuklasan kung paano nagpapatotoo ang lahat ng bagay kay Jesucristo? (Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante ang sumusunod na alituntunin: Marami tayong malalaman tungkol kay Jesucristo kapag naunawaan natin ang mga matalinghagang paglalarawan, halimbawa, at simbolo na nagpapatotoo sa Kanya.)
-
Paano napalakas ng isang bagay na sumisimbolo sa Tagapagligtas ang inyong pananampalataya sa Kanya?
-
Ano ang magagawa ninyo upang makilala si Cristo sa mga simbolo na ibinigay sa atin?
2 Nephi 11:2–6
Mga simbolo at matalinghagang paglalarawan kay Cristo sa mga tipan at ordenansa ng ebanghelyo
Ipaliwanag na ang bahaging ito ng lesson ay magtutuon sa iba-ibang aspeto ng ebanghelyo ni Jesucristo na naglalaman ng mga simbolo at matalinghagang paglalarawan kay Cristo. Sabihin sa mga estudyante na basahing mabuti ang 2 Nephi 11:2–6, at alamin ang mga bagay na nagpalugod kay Nephi. Maaari mong imungkahi sa kanila na markahan ang nalaman nila.
-
Ano ang nagpalugod kay Nephi?
Ituro ang pariralang “mga tipan ng Panginoon” sa talata 5. Ipaliwanag na ang mga tipan at ordenansa ay mahahalagang bahagi ng walang hanggang ebanghelyo ni Jesucristo. Maraming bahagi ang mga tipan at ordenansa na may sinisimbolo at nagtuturo tungkol kay Jesucristo at naglalapit sa atin sa Kanya. Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:
“Lahat ng banal na ordenansa o gawaing inordenan ng Diyos, lahat ng hain, simbolismo, at kahalintulad; lahat ng ibinigay ng Diyos sa kanyang mga tao—ay pawang inordenan at itinatag upang magpatotoo tungkol sa kanyang Anak at maituon ang pananampalataya ng mga taong nananalig sa kanya at sa pagtubos na inorden noon pa man na isasakatuparan niya” (The Promised Messiah: The First Coming of Christ [1978], 28).
-
Ano ang doktrina o alituntuning itinuro sa pahayag na ito? (Ang isang posibleng sagot ay makikita natin ang mga simbolo ni Cristo sa mga ordenansa ng ebanghelyo kung hahanapin natin ang mga ito.)
-
Paano makatutulong ang kaalamang ito kapag nakikibahagi tayo sa mga ordenansa ng ebanghelyo?
Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Mga Taga Roma 6:3–6 at 3 Nephi 18:7, 11, at alamin ang mga simbolo na tumutukoy sa Tagapagligtas. Pagkatapos ay itanong:
-
Ano ang ilang paraan na nagtuturo ang mga tipan ng ebanghelyo o mga ordenansa tungkol sa Tagapagligtas at tumutulong sa inyo na maalaala Siya?
Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng pag-aaral para makilala ang mga halimbawa at simbolo ni Cristo, itanong ang katulad ng mga sumusunod:
-
Ano ang isang simbolo ng Tagapagligtas na may malaking kahulugan sa inyo?
-
Paano ninyo matitiyak na mapapansin ninyo ang simbolong ito?
-
Paano napagpala ang buhay ninyo nang makita ninyo ito bilang simbolo ni Cristo?
Hikayatin ang mga estudyante na ipamuhay ang mga alituntunin sa lesson na ito sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na isulat kung paano nila mas makikilala ang mga halimbawa, anino, at simbolo ng Tagapagligtas sa mga banal na kasulatan, sa mga ordenansa ng ebanghelyo, at sa kanilang buhay sa araw-araw. Hikayatin silang pumili ng isang araw sa mga darating na araw kung saan talagang maghahanap sila ng mga imahe, bagay, o pangyayari, na nagpapaalala sa kanila sa Tagapagligtas. Hikayatin silang gumawa ng listahan ng mga nahanap nila at ibahagi ang kanilang listahan sa isang kapamilya o kaibigan o marahil sa pamamagitan ng social media.
Mga Babasahin ng mga Estudyante
-
Russell M. Nelson, “In This Holy Land,” Tambuli, Peb. 1991, 10–19.