Seminaries and Institutes
Lesson 5: Si Jesucristo ay si Jehova ng Lumang Tipan


5

Si Jesucristo ay si Jehova ng Lumang Tipan

Pambungad

Sa pagpapatotoo sa Tagapagligtas na si Jesucristo, ipinahayag ng mga propeta sa panahong ito: “Siya ang Dakilang Jehova ng Lumang Tipan” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2). Si Jesucristo, bilang si Jehova, ay itinatag ang walang hanggang ebanghelyo ng Ama sa Langit sa lupa sa bawat dispensasyon ng panahon upang matipon ang bawat isa sa mga anak ng Diyos na nangawala. Mapapalakas ang ating pananampalataya kay Jesucristo kapag nalaman natin ang Kanyang hindi nagbabagong katangian at ang Kanyang walang hanggang ebanghelyo.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito

  • Russell M. Nelson, “Mga Tipan,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 86–89.

  • “The Abrahamic Covenant,” The Pearl of Great Price Student Manual (Church Educational System manual, 2000), 93–98.

  • “Enrichment Section A: Who Is the God of the Old Testament?” Old Testament Student Manual: Genesis–2 Samuel, Ika-3 ed. (Church Educational System manual, 2003), 45–48.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Exodo 3:11–14; 6:2–3; Juan 8:52–53, 56–59; 18:5, 8; 3 Nephi 15:5; Abraham 1:16; 2:8

Si Jesucristo ay si Jehova ng Lumang Tipan

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng ilang pangalan at titulo ng Tagapagligtas na alam nila. Isulat sa pisara ang kanilang mga sagot. Sabihin sa mga estudyante na tatalakayin ninyo ngayon ang isang mahalagang pangalan, o titulo, kung saan kilala si Jesucristo bago pa ang Kanyang mortal na ministeryo. Ipabasa sa kanila nang tahimik ang Juan 8:52–53, 56–59. Pagkatapos ay itanong:

  • Ano ang mga itinanong ng mga Judio sa Tagapagligtas?

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ni Jesus sa Kanyang tugon na, “Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga”? (talata 58).

Upang matulungan ang mga estudyante na maipaliwanag ang pariralang “Ako nga,” pagpartner-partnerin ang mga estudyante at sabihin sa kanila na basahin ang Exodo 3:11–14; 6:2–3, at alamin kung paano ipinakilala ng Diyos ng Lumang Tipan ang Kanyang sarili. Matapos ang sapat na oras, itanong ang mga sumusunod:

  • Ayon sa mga talatang ito, anong mga pangalan ang ginamit ng Diyos ng Lumang Tipan upang ipakilala ang Kanyang sarili? (Ituro na mababasa sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Exodus 6:3 [na makikita LDS English version ng Biblia], “Ako ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; ang Panginoong JEHOVA. At hindi ba kilala ang pangalan ko sa kanila?” Tingnan din sa Abraham 1:16.)

  • Paano nilinaw ng mga scripture verse na ito ang kahulugan ng pahayag ni Jesucristo na, “Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga”? (Dapat makilala ng mga estudyante na si Jesucristo ay si Jehova, ang Diyos ng Lumang Tipan at ang dakilang AKO NGA.)

Ipakita ang mga sumusunod na pahayag:

Elder Bruce R. McConkie

“Ito ay isang malinaw at tuwirang pahayag ng kabanalan na nagawa o magagawa ng sinumang tao. ‘Bago ipinanganak si Abraham ay ako nga si Jehova.’ Ibig sabihin, ‘Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, ang dakilang AKO NGA. Nabubuhay ako dahil sa sarili kong kapangyarihan at ako ay Diyos na Walang Hanggan. Ako ang Diyos ng inyong mga ama. Ang pangalan ko ay: AKO YAONG AKO NGA’” (Bruce R. McConkie, Doctrinal New Testament Commentary, 3 tomo [1965–73], 1:464).

Jehova “ang pangalan o titulo sa tipan ng Diyos ng Israel. Ito ay nangangahulugang ‘Diyos na Hindi Pabagu-bago’” (Bible Dictionary, ”Jehovah”).

  • Bakit mahalagang malaman na si Jesucristo ay si Jehova ng Lumang Tipan? (Dapat kabilang sa mga sagot ang sumusunod na katotohanan: Laging pinamamahalaan ng Diyos ang Kanyang ebanghelyo sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Tingnan din sa 3 Nephi 15:5, kung saan nakatala ang turo ng Tagapagligtas na Siya ang nagbigay ng batas.)

Maaari mong ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Joseph Fielding Smith (1876–1972):

Pangulong Joseph Fielding Smith

“Lahat ng paghahayag mula noong pagkahulog ay dumating sa pamamagitan ni Jesucristo, na siyang Jehova ng Lumang Tipan. … Ang Ama [si Elohim] ay hindi kailanman nakipag-ugnayan nang tuwiran at personal sa tao mula noong pagkahulog, at hindi kailanman nagpakita maliban kung ipapakilala at patototohanan Niya ang Kanyang Anak” (Doctrines of Salvation, comp. Bruce R. McConkie, 3 tomo [1954–56], 1:27).

  • Dahil sa kaalamang si Jehova, o Jesucristo, ay hindi pabagu-bago, paano ito makatutulong sa inyo na magtiwala sa Kanya? (Maaaring kabilang sa mga sagot ang dahil sa kaalamang hindi pabagu-bago si Jesucristo, nakatutulong ito na magtiwala tayo na tutuparin Niya ang ipinangako Niya sa atin tulad ng pagtupad Niya sa Kanyang mga ipinangako sa mga tao na mababasa natin sa mga banal na kasulatan.)

Ipaliwanag na matapos ang huling pangyayaring nakatala sa Biblia, ang pangalang Hebreo para sa Jehovah (na karaniwang ipinapakilala bilang Yahweh sa literatura) ay itinuturing na napakasagrado para banggitin. For this reason, except for a few exceptions (see Exodus 6:3; Psalm 83:18; Isaiah 12:2; 26:4), the translators of the King James Version of the Bible rendered the word Jehovah as LORD (in all capital letters). Sa modernong Judaismo, ito ay pinalitan ng salitang Adonai, na nangangahulugang “Panginoon.”

Genesis 13:14–16; 17:1–9; Moises 6:51–52, 64–66; Abraham 1:18–19; 2:8–11

Itinatag ni Jehova ang walang hanggang ebanghelyo noong sinaunang panahon

Sabihin sa magkakapartner na estudyante na basahin ang Moises 6:51–52, 64–66 at alamin ang itinuro ni Jehova kay Adan. Sabihin sa kanila na sa mga talata 51–52, si Jehova ay nagsasalita para sa Ama. Pagkatapos ay itanong:

  • Ano ang napansin ninyo tungkol sa ebanghelyo na itinuro kay Adan? (Ito ay kapareho ng ebanghelyong itinuturo ngayon. [Tingnan sa 2 Nephi 31:10–16 para sa halimbawa ng kaparehong ebanghelyo na itinuro din sa lupain ng Amerika.] Maaari mong bigyang-diin ang katotohanang ito sa pamamagitan ng pagsulat ng sumusunod na pahayag sa pisara: Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay walang hanggan at hindi pabagu-pago sa bawat dispensasyon ng ebanghelyo.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na sa isang nagdaang dispensasyon, pinanibago ni Jehova ang Kanyang walang-hanggang ebanghelyo sa pamamagitan ng pakikipagtipan kay Abraham na kilala bilang tipang Abraham. Hatiin sa dalawang grupo ang klase. Sabihin sa unang grupo na pag-aralan ang Genesis 13:14–16; 17:2–8; Abraham 1:18–19; 2:8–11 at ilista ang mga pangako ng Panginoon kay Abraham. Sabihin sa pangalawang grupo na pag-aralan ang Genesis 17:1–5, 9; Abraham 1:19; 2:8–11 at ilista ang mga kailangang gawin ni Abraham upang matanggap ang mga ipinangakong pagpapala. (Paalala: Kapag natutuhan ng mga estudyante kung paano tukuyin ang listahan sa mga banal na kasulatan, mas madali nilang matutukoy ang mahahalagang bagay na nais bigyang-diin ng manunulat ng banal na kasulatan.)

Habang nag-aaral ang mga estudyante, isulat ang sumusunod na chart sa pisara, at mag-iwan ng patlang na pagsusulatan ng mga sagot:

Tipang Abraham

Mga Pangako kay Abraham

Mga Responsibilidad ni Abraham

Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante mula sa bawat grupo na pumunta sa pisara at isulat ang mga sagot na nahanap nila sa ilalim ng tamang pamagat. Maaari mong ibuod ang tipang Abraham sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapabasa nang malakas sa isang estudyante ng sumusunod na pahayag:

“Natanggap ni Abraham ang ebanghelyo at inordenan sa nakatataas na pagkasaserdote (D at T 84:14; Abr. 2:11), at pumasok siya sa kasal na selestiyal, na siyang tipan ng kadakilaan (D at T 131:1–4; 132:19, 29). Natanggap ni Abraham ang isang pangako na lahat ng pagpapala ng mga tipang ito ay ihahandog sa kanyang mga inapo sa buhay na ito (D at T 132:29–31; Abr. 2:6–11). Magkakasama, ang mga tipan at pangakong ito ay tinatawag na tipang Abraham. Ang panunumbalik ng tipang ito ay panunumbalik ng ebanghelyo sa mga huling araw, sapagkat sa pamamagitan nito ay pagpapalain ang lahat ng bansa sa mundo (Gal. 3:8–9, 29; D at T 110:12; 124:58; Abr. 2:10–11)” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Tipang Abraham”; scriptures.lds.org).

Bigyang-diin na mula pa sa simula, ang Ama ay nakipagtipan sa Kanyang mga anak na titipunin sila sa pamamagitan ng mga katotohanan, ordenansa, at pagpapala ng walang hanggang ebanghelyo. Ang Panunumbalik ng ebanghelyo ay kinapapalooban ng panunumbalik ng tipang Abraham. Ibig sabihin, ang tipang Abraham ay isang mahalagang bahagi ng bago at walang hanggang tipan, na siyang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo. Itanong sa mga estudyante:

  • Paano nakakaimpluwensya sa paraan ng inyong pamumuhay ang nalaman ninyo na kayo ay mga inapo ni Abraham at mga tagapagmana sa lahat ng ipinangako ng Diyos sa kanya?

  • Paano nagpapalakas sa mga pamilya at gumagabay sa ating mga desisyon ang katotohanan na maaari nating matamo ang mga pagpapalang ipinangako kay Abraham at sa kanyang mga inapo?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano nila matatamo ang mga ipinangakong pagpapala ng tipang ito para sa kanilang sarili at kanilang mga pamilya, noon, ngayon, at sa hinaharap.

Josue 24:3–13; 1 Nephi 17:23–32

Pinagpala at pinamunuan ni Jehova ang sinaunang Israel

Sabihin sa mga estudyante na bilang bahagi ng tipang Abraham, si Jehova ay nangako ng mga pagpapala ng ebanghelyo sa mga inapo ni Abraham at sa mga natipong kasama nila. Ipabasa sa kalahati ng klase ang Josue 24:3–13, at ipabasa sa natitirang kalahati ng klase ang 1 Nephi 17:23–32. Ipahanap sa mga estudyante ang mga salita at parirala na nagtuturo ng ginawa ni Jehova para sa sinaunang Israel. Maaari mong imungkahi sa kanila na markahan ang nalaman nila. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. I-paraphrase ang mga sagot ng mga estudyante at isulat sa pisara. Para sa impormasyon kung bakit ginawa ni Jehova ang ilan sa mga bagay na ginawa Niya, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Exodo 6:2–6. Itanong sa klase:

  • Anong dahilan ang ibinigay ni Jehova sa paggawa ng mga bagay na nabasa ninyo sa Josue at 1 Nephi?

  • Ano ang mensahe nito sa inyo tungkol sa mga ipinangako ng Panginoon sa inyo? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante, isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara: Kung mamumuhay tayo nang tapat, tutuparin ng Panginoon ang mga ipinangako Niya sa atin.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf:

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

“Dahil ang Diyos ay naging tapat at tumupad sa Kanyang mga pangako noon, makakaasa tayo sa mga pangako ng Diyos nang may tiwala sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sa panahon ng kagipitan, makahahawak tayo nang mahigpit sa pag-asa na ang lahat ng bagay ay ‘magkakalakip na gagawa para sa [ating] ikabubuti’ [D at T 90:24]” (“Ang Walang Hanggang Bisa ng Pag-asa,” Ensign o Liahona, Nob. 2008, 23).

  • Paano makatutulong sa inyo sa panahon ng pagsubok ang nalaman ninyo tungkol sa mga ginawa ni Jehova noong sinaunang panahon?

  • Ano ang ginawa Niya para sa sinaunang Israel na gagawin din Niya para sa inyo?

Magpatotoo na sa bawat dispensasyon ng panahon, pinagpapala ni Jesucristo ng walang hanggang ebanghelyo ang mga anak ng Diyos. Tulad ng pagtanggap ng mga pinagtipanang tao noon ng mga ipinangakong pagpapala mula sa Panginoon, matatanggap din natin ang mga ipinangakong pagpapala kung tayo ay masunurin.

Mga Babasahin ng mga Estudyante