Pakikipag-ugnayan sa Iba’t ibang Relihiyon
Ang Angkan ni Abraham


“Ang Angkan ni Abraham,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw: Mga Paniniwala, Pinahahalagahan, at Pamumuhay (2021)

“Ang Angkan ni Abraham,” Mga Muslim at Mga Banal sa mga Huling Araw

Larawan
Ang pangalang ʾIbrāhīm na nakasulat sa Islamic calligraphy

Ang pangalang ʾIbrāhīm na nakasulat sa Islamic calligraphy, na sinundan ng “sa Kanya ay kapayapaan”

Ang Angkan ni Abraham

Itinuturing ng mga Muslim at mga Banal sa mga Huling Araw si Abraham (AS) bilang isang halimbawa ng katapatan, at pagsunod sa Diyos. Nakikita nila ang pagkakaisa ng Islam, Kristiyanismo, at Judaismo dahil sa karaniwang espirituwal na pamana na nakaugnay kay Abraham. Dahil dito, ang tatlong relihiyong ito ay madalas tukuyin bilang “mga relihiyong sumasampalataya sa Diyos ni Abraham.”

Larawan
maraming tao na naglalakad sa kalye

Mga Muslim

Naniniwala ang mga Muslim na si Ibrahim, o si Abraham (AS), ay isang propetang gumaganap ng mahalagang papel sa Islam bilang halimbawa ng pananampalataya at pagsunod sa Diyos. Hindi siya kailanman sumamba sa iba pang mga diyos o diyus-diyusan (tingnan sa Qur’an 3:67). Dinala niya ang kanyang anak na si Ismael (AS) sa Mecca. Si Abraham (AS) ang responsable sa pagtatayo ng Ka’bah sa Mecca para sambahin ang Iisang Diyos. Itinuturo ng Islam na ang pagkatao ni Abraham at ang kanyang kahandaang sumunod sa kalooban ng Diyos ay nagbigay sa kanya ng espesyal na katayuan bilang Kaibigan ng Diyos.

Mga Banal sa mga Huling Araw

Naniniwala ang mga Banal sa mga Huling Araw na si Abraham ay kahanga-hangang propeta at isang halimbawa ng pagsunod. Hinangad niya ang kaligayahan, kapayapaan, at kaalaman. Dahil sa kanyang kabutihan at pananampalataya sa Diyos, nagtamo si Abraham ng mga pagpapala para sa kanyang angkan at naging ama ng maraming bansa. Ipinangako ng Diyos kay Abraham na matatanggap ng kanyang angkan ang Kanyang katotohanan at ituturo ito sa mga tao sa mundo sa mga huling araw (tingnan sa Mahalagang Perlas, Abraham 1:2, 19).

Print