Institute
Lesson 1 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Pag-aaral ng Doktrina tungkol sa Walang Hanggang Pamilya


“Lesson 1 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Pag-aaral ng Doktrina tungkol sa Walang Hanggang Pamilya,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya (2022)

“Lesson 1 Materyal sa Paghahanda para sa Klase,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya

isang masayang mag-asawa kasama ang kanilang maliit na anak

Lesson 1 Materyal sa Paghahanda para sa Klase

Pag-aaral ng Doktrina tungkol sa Walang Hanggang Pamilya

Malugod na Pagbati mula sa kursong ang Walang Hanggang Pamilya! Ang mga katotohanang matututuhan mo sa buong kursong ito, lakip ang pagsunod sa mga pahiwatig na madarama mo, ay makatutulong sa iyo at sa iyong pamilya na mas mapalapit sa Diyos at matanggap ang lahat ng pagpapalang nais Niya para sa iyo. Mas matutulungan mo ang iba na magawa rin ang gayon.

Habang pinag-aaralan mo ang sumusunod na materyal sa paghahanda para sa lesson 1, isipin ang mga pagpapala at kagalakang nais ng Ama sa Langit na maranasan ng lahat ng Kanyang anak at kung paano ito nauugnay sa mga pamilya.

Paalala: Ang materyal na ito sa paghahanda ay magbibigay sa iyo ng pundasyon para sa iyong karanasan sa klase. Ang pag-aaral ng materyal sa paghahanda para sa bawat lesson bago magklase ay tutulong sa iyo na magkaroon ng mas malalim at mas makabuluhang karanasan sa pag-aaral kapag dumadalo ka ng klase.

Bahagi 1

Ano ang magagawang kaibhan ng pagtitiwala sa Ama sa Langit at sa perpektong pagmamahal at karunungan ni Jesucristo sa aking personal na buhay at sa buhay ng aking pamilya?

Napaliligiran tayo ng iba’t ibang opinyon at impormasyon tungkol sa paksa hinggil sa pamilya. Kung minsan ang pananaw ng lipunan tungkol sa pamilya ay tuwirang sumasalungat sa plano ng Ama sa Langit. Kapag mas nakikilala at nauunawaan natin ang Ama sa Langit at si Jesucristo at ang Kanilang mga katangian, lalo nating mas mapagkakatiwalaan ang Kanilang mga turo at payo, pati na sa mga bagay na may kaugnayan sa pamilya. Kapag ginawa natin ito, matututuhan nating makita ang mga bagay tulad ng pagkakita Nila—mula sa pananaw na walang hanggan.

isang young adult na nag-aaral ng mga banal na kasulatan
icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang 2 Nephi 26:24; Mosias 4:9; at Isaias 55:8–9, at alamin ang mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na makatutulong sa iyo na magtiwala sa Kanila. Maaari mong markahan ang nalaman mo.

Isipin kung paano makaiimpluwensya ang mga paglalarawan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa mga scripture passage na ito sa paraan kung paano mo pinipiling makita ang mga sensitibong isyu at tanong tungkol sa pamilya. Itinuro ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Richard G. Scott

Bilang inyong Ama, layunin Niya ang inyong walang hanggang kaligayahan, ang inyong patuloy na pag-unlad, ang paglakas ng inyong kakayahan. Nais Niyang ibahagi sa inyo ang lahat ng mayroon Siya. (“Obtaining Help from the Lord,” Ensign, Nob. 1991, 86)

icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Sa pagsisikap ng propeta na “magbabala” laban sa mga panlilinlang ng mundo, inilabas ng Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol ang pagpapahayag tungkol sa pamilya noong 1995 (tingnan sa Gordon B. Hinckley, “Stand Strong against the Wiles of the World,” Ensign, Nob. 1995, 100). Basahin ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (ChurchofJesusChrist.org), at isipin ang itinuturo nito tungkol sa mga pagpapala at kaligayahan na nais ng Ama sa Langit para sa iyo at sa iyong pamilya. Maaari mong markahan ang mga katibayan ng Kanyang pagmamahal at mga naisin para sa iyong kaligayahan.

isang pamilyang binubuo ng maraming henerasyon
icon, pagnilayan

Magnilay-nilay upang Makapaghanda para sa Klase

Isipin ang ilang kasalukuyang isyu o tanong na tinalakay ng mga katotohanang ipinahayag sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak. Ano ang kahalagahan ng lubos na pagtitiwala sa karunungan at walang hanggang pananaw ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kaysa sa karunungan at pananaw ng mundo tungkol sa mga paksang ito?

Bahagi 2

Paano tayo makalilikha ng isang kapaligiran kung saan matatalakay ang mga sensitibong isyu nang walang panghuhusga at pangungutya?

Isipin ang kalagayan, dinamika, at mga hamon ng iyong pamilya. Paano naiiba ang iyong pamilya sa iba pang mga pamilyang kilala mo? Ang ilan sa ating pinakamatitinding damdamin ay nauugnay sa ating pamilya. Kapag tinatalakay natin ang doktrina tungkol sa pamilya, dapat nating tandaan na ang mga kalagayan at karanasan ng ibang pamilya ay maaaring iba kaysa sa atin. Ang pag-alaala rito ay makatutulong sa atin na maging mas mapagmahal, sensitibo, at magalang sa paraan ng pagtalakay natin sa doktrina tungkol sa pamilya. Sa paggawa nito, mas handa tayo na maturuan nang mas malalim ng Espiritu Santo tungkol sa pamilya at sa mga layunin ng ating Ama sa Langit.

talakayan sa silid-aralan
icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Si Jesucristo ang ating perpektong halimbawa ng pagkakaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao sa lahat ng kalagayan. Basahin ang Moroni 7:45–48. Isipin ang mga pagkakataon sa iyong buhay na nagpakita sa iyo ng pag-ibig sa kapwa ang Tagapagligtas, at isipin ang kaibhang nagawa nito para sa iyo.

Bilang mga disipulo ni Jesucristo, pinagsisikapan nating maging higit na katulad Niya sa lahat ng ating sinasabi at ginagawa. Kinakailangang magsanay tayong makinig sa iba at matutuhan at maibahagi ang katotohanan nang may pagmamahal, pagiging sensitibo, at paggalang. Kapag nakikibahagi tayo sa mga sensitibong pag-uusap tungkol sa mga paksang may kaugnayan sa pamilya nang may pag-ibig sa kapwa, tayo ay nagiging katulad ng Tagapagligtas. Kung handa tayo, matutulungan tayo ng Espiritu Santo na malaman ang ating responsibilidad sa pagkakaroon at pagpapanatili ng isang silid-aralan na may pagmamahalan, paggalang, at pagtanggap upang matutuhan ang katotohanan.

Itinuro ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Neil L. Andersen

Ang pakiusap ko ngayon ay para sa daan-daang libong mga bata, kabataan, at young adult na hindi nagmula sa mga pamilya na tinaguriang “sakdal na huwaran.” Nagsasalita ako hindi lamang tungkol sa mga kabataang namatayan na ng magulang, nagdiborsyo ang mga magulang, o naglalaho na ang pananampalataya ng kanilang mga magulang kundi tungkol din sa libu-libong kabataang lalaki at babae sa buong mundo na tumanggap sa ebanghelyo na walang ina o amang nakakasama sa Simbahan.

Ang mga kabataang Banal sa mga Huling Araw na ito ay pumapasok sa Simbahan nang may malaking pananampalataya. Umaasa silang makalikha ng ulirang pamilya sa sarili nilang buhay sa hinaharap. Balang-araw, magiging mahalagang bahagi sila ng puwersa ng ating mga missionary, mabubuting young adult, at mga nagpapakasal sa templo upang magsimula ng sarili nilang pamilya.

Patuloy nating ituturo ang huwaran ng Panginoon para sa mga pamilya, ngunit ngayong milyun-milyon na ang mga miyembro, at iba-iba na … , kailangan nating maging mas maalalahanin at sensitibo. …

… Isipin natin sila, tanggapin natin sila, yakapin natin sila, at gawin natin ang lahat para mapaibayo ang kanilang pagmamahal sa Tagapagligtas. (“Sinomang Tumanggap sa Kanila, ay Ako ang Tinanggap,” Liahona, Mayo 2016, 49–50, 52)

icon, isulat

Isulat ang Iyong mga Naisip

Pag-isipan ang sarili mong mga karanasan at ang kaibhang magagawa mo sa pakikibahagi sa mga talakayan tungkol sa mga sensitibong paksa hinggil sa pamilya nang may pag-ibig sa kapwa. Isulat kung ano ang magagawa mo upang matulungan ang iba na madama na minamahal at iginagalang sila habang tinatalakay ang mga paksang iyon mula sa pananaw ng walang hanggang katotohanan.