Bahagi 80
Paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propeta, sa Hiram, Ohio, Marso 1832 (History of the Church, 1:257).
1–5, Sina Stephen Burnett at Eden Smith ay tinawag na mangaral sa alinmang lugar nila piliin.
1 Katotohanan, ganito ang wika ng Panginoon sa iyo na aking tagapaglingkod na si Stephen Burnett: Humayo ka, Humayo ka sa sanlibutan at ipangaral ang ebanghelyo sa bawat nilalang na lumalapit sa ilalim ng tunog ng iyong tinig.
2 At yayamang ninanais mo ng isang kasama, ibibigay ko sa iyo ang aking tagapaglingkod na si Eden Smith.
3 Dahil dito, magsihayo kayo at ipangaral ang aking ebanghelyo, maging sa hilaga o sa timog, sa silangan o sa kanluran, hindi ito mahalaga, sapagkat kayo ay hindi maaaring malihis.
4 Kaya nga, ipahayag ang mga bagay na inyong narinig, at tunay na pinaniwalaan, at alam na totoo.
5 Masdan, ito ang kalooban niya na tumawag sa inyo, ang inyong Manunubos, maging si Jesucristo. Amen.