Mapa 2
Palmyra-Manchester, 1820–31
-
Tahanang Yari sa Troso ni Joseph Smith Sr. Nagpakita si anghel Moroni kay Joseph Smith sa silid sa itaas ng tahanang ito noong ika-21–22 ng Setyembre 1823 (tingnan sa JS—K 1:29–47).
-
Bukid ni Joseph Smith Sr. Ang 4.7-ektaryang bukid na ito ay nilinang ng mag-anak na Smith magmula 1820 hanggang 1829.
-
Banal na Kakahuyan Sa kakahuyang ito naganap ang Unang Pangitain ni Joseph Smith Jr. noong maagang tagsibol ng 1820 (tingnan sa JS—K 1:11–20).
-
Tahanang Yari sa Kahoy ni Joseph Smith Sr. Sinimulang gawin ang tahanang ito noong 1822 ni Alvin Smith at tinirahan ng mag-anak na Smith magmula 1825 hanggang 1829.
-
Burol ng Cumorah Dito ibinigay ni anghel Moroni kay Propetang Joseph Smith ang mga laminang ginto noong ika-22 ng Setyembre 1827 (tingnan sa JS—K 1:50–54, 59).
-
Bukid ni Martin Harris Isinangla ang bukid na ito at ipinagbili ang bahagi nito upang ibayad para sa pagpapalimbag ng Aklat ni Mormon.
-
Palimbagan ni E. B. Grandin 5,000 sipi ng Aklat ni Mormon ang nilimbag dito noong 1829–30.
-
Batis ng Hathaway Sa batis na ito isinagawa ang ilang unang pagbibinyag sa Simbahan.