14. Ang Tindahan ni Propetang Joseph Smith na Yari sa Pulang Laryo
Ang panibagong-tayong tindahan at tanggapan ni Joseph Smith ay matatagpuan sa Nauvoo, Illinois. Isa ito sa pinakamahalagang gusali ng Simbahan noong panahon ng Nauvoo. Hindi lamang ito nagsilbing pangkalahatang tindahan, ito rin ay naging sentro ng gawaing panlipunan, pang-ekonomiya, pampulitika, at pangrelihiyon. Ang tanggapan ni Joseph Smith ay nasa ikalawang palapag.
Mahahalagang Pangyayari: Bago natapos ang templo, ang silid sa itaas ng tindahan ay ginamit na silid pang-ordenansa, kung saan ibinigay ang mga unang buong endowment. Noong ika-17 ng Marso 1842, tinipon ni Propetang Joseph ang kababaihan ng Simbahan at itinatag ang Samahang Damayan.
14. Ang Tindahan ni Propetang Joseph Smith na Yari sa Pulang Laryo Sa gusaling ito itinatag ang Samahang Damayan noong ika-17 ng Marso 1842.