2. Burol ng Cumorah at Dako ng Manchester-Palmyra
Tumatanaw pahilaga, ipinakikita ng larawang ito ang Burol ng Cumorah, sa Manchester, New York. Ang burol ay makikita sa gawing ibaba sa kanang sulok ng larawan at bumabaybay nang kaunti higit sa kalahatian sa itaas ng larawan. Ang nakikitang puting bantayog sa dulong hilaga ng burol ay nagbibigay-parangal kay anghel Moroni at sa paglabas ng Aklat ni Mormon. Ang Burol ng Cumorah ay matatagpuan mga limang kilometro sa timog-silangan ng Banal na Kakahuyan. Malapit sa gawing itaas ng larawan ang Palmyra, may anim at kalahating kilometro ang layo. Ang bukid ng mga Smith at ang Banal na Kakahuyan ay nasa may gawing itaas sa kaliwang bahagi ng larawan.
Mahahalagang Pangyayari: Ang mag-anak ni Propetang Joseph Smith ay namuhay sa dakong ito noong panahon ng Unang Pangitain (JS—K 1:3). Noong A.D. 421, inilagak ni Moroni ang isang huwego ng mga laminang ginto sa Burol ng Cumorah na naglalaman ng banal na kasaysayan ng kanyang mga tao (S ni M 1:1–11; Morm. 6:6; Moro. 10:1–2). Ang Moroni ring ito ang nagsabi kay Joseph Smith kung saan matatagpuan ang mga lamina—sa dulong hilaga ng burol, sa gawing kanluran, malapit sa tuktok nito. Ibinigay ni Moroni ang mga ito sa kanya noong 1827 (D at T 27:5; 128:20; JS—K 1:33–35, 51–54, 59).