Mga Tulong sa Pag-aaral
Cronolohiya ng Kasaysayan ng Simbahan


Cronolohiya ng Kasaysayan ng Simbahan

1805, Ika-23 ng Disyembre

Joseph Smith (1805–44) isinilang kina Joseph Smith Sr. at Lucy Mack Smith, Sharon, Vermont (tingnan sa JS—K 1:3).

1820, Maagang Tagsibol

Natanggap ni Propetang Joseph Smith ang Unang Pangitain sa isang kakahuyan sa mga Kabayanan ng Palmyra at Manchester, New York, malapit sa kanyang tahanan (tingnan sa JS—K 1:15–17).

1823, Ika-21–22 ng Setyembre

Dinalaw si Joseph Smith ni anghel Moroni at sinabi ang tungkol sa talaan na Aklat ni Mormon. Nakita ni Joseph ang mga laminang ginto na nakalagak sa isang malapit na burol (Cumorah) (tingnan sa JS—K 1:27–54).

1827, Ika-22 ng Setyembre

Tinanggap ni Joseph Smith ang mga laminang ginto mula kay Moroni sa Burol ng Cumorah (tingnan sa JS—K 1:59).

1829, Ika-15 ng Mayo

Iginawad ni Juan Bautista ang Pagkasaserdoteng Aaron kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Harmony, Pennsylvania (tingnan sa D at T 13; JS—K 1:71–72).

1829, Mayo

Tinanggap nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Pagkasaserdoteng Melquisedec mula kina Pedro, Santiago, at Juan malapit sa Ilog Susquehanna na nasa pagitan ng Harmony, Pennsylvania, at Colesville, New York (tingnan sa D at T 128:20).

1829, Hunyo

Natapos ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon. Ipinakita sa Tatlong Saksi at sa Walong Saksi ang mga laminang ginto (tingnan sa 2 Ne. 11:3; 27:12–13; D at T 17).

1830, Ika-26 ng Marso

Makakukuha na ng mga unang limbag na sipi ng Aklat ni Mormon, Palmyra, New York.

1830, Ika-6 ng Abril

Itinatag ang Simbahan sa Kabayanan ng Fayette, New York.

1830, Setyembre–Oktubre

Tumawag ng unang mga misyonero na mangangaral sa mga Lamanita (mga Katutubong Amerikanong Indian) (tingnan sa D at T 28; 30; 32).

1830, Disyembre–Enero 1831

Inutusan ang mga Banal na magtipon sa Ohio (tingnan sa D at T 37; 38: 31–32).

1831, Ika-20 ng Hulyo

Inihayag ang pook para sa lunsod ng Sion (ang Bagong Jerusalem) sa Independence, Missouri kay Propetang Joseph Smith (tingnan sa D at T 57; S ng P 1:10).

1833, Ika-18 ng Marso

Sina Sidney Rigdon at Frederick G. Williams ay itinalaga bilang mga Tagapayo sa Panguluhan ng Simbahan (tingnan sa buod ng D at T 81) at pinagkalooban ng mga susi nitong huling kaharian (tingnan sa buod ng D at T 90; talata 6).

1833, Ika-7 ng Nobyembre

Nagsimulang magsitakas ang mga Banal mula sa mga mandurumog sa Jackson County, Missouri patawid ng Ilog Missouri at patungo sa Clay County.

1834, Ika-5 ng Mayo

Nilisan ni Pangulong Joseph Smith ang Kirtland, Ohio, patungo sa Missouri bilang pinuno ng Kampo ng Sion upang sumaklolo sa mga Banal na pinaalis sa Jackson County.

1835, Ika-14 ng Pebrero

Itinatag ang Korum ng Labindalawang Apostol, Kirtland, Ohio (tingnan sa D at T 107:23–24).

1835, Ika-28 ng Pebrero

Sinimulan ang pagtatag ng Unang Korum ng Pitumpu, Kirtland, Ohio.

1835, Ika-17 ng Agosto

Ang Doktrina at mga Tipan ay tinanggap bilang isang pamantayang banal na kasulatan ng Simbahan, Kirtland, Ohio.

1836, Ika-27 ng Marso

Inilaan ang Templo ng Kirtland (tingnan sa D at T 109).

1836, Ika-3 ng Abril

Nagpakita si Jesucristo kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Templo ng Kirtland. Sina Moises, Elias, at Elijah ay nagpakita at iginawad ang mga susi ng pagkasaserdote (tingnan sa D at T 110).

1837, Ika-19 ng Hulyo

Si Heber C. Kimball at anim na iba pa ay dumating sa Liverpool, Inglatera, sa unang misyon ng Simbahan sa ibayong dagat.

1838, Ika-26 ng Abril

Ang pangalan ng Simbahan ay tiniyak sa pamamagitan ng paghahayag (tingnan sa D at T 115:4).

1838, Ika-1 ng Disyembre

Ibinilanggo si Propetang Joseph Smith at ang iba pa sa Piitan ng Liberty, Liberty, Clay County, Missouri (tingnan sa D at T 121–123).

1840, Ika-15 ng Agosto

Ang pagbibinyag para sa mga patay ay hayagang ipinahayag ni Propetang Joseph Smith.

1841, Ika-24 ng Oktubre

Inilaan ni Elder Orson Hyde ang Banal na Lupain para sa pagbabalik ng mga anak ni Abraham (tingnan sa D at T 68:1–3; 124:128–129).

1842, Ika-17 ng Marso

Itinatag ang Samahang Damayan para sa mga kababaihan, Nauvoo, Illinois.

1842, Ika-4 ng Mayo

Ipinagkaloob ang unang buong endowment ng templo.

1844, Ika-27 ng Hunyo

Pagkakamartir kina Joseph Smith at Hyrum Smith sa Piitan ng Carthage (tingnan sa D at T 135).

1846, Ika-4 ng Pebrero

Sinimulang tawirin ng mga Banal na taga-Nauvoo ang Ilog Mississippi patungong kanluran. Ilan sa mga Banal na nagmula sa silangan ay naglayag mula sa New York City patungong California na lulan ng barkong Brooklyn.

1846, Ika-16 ng Hulyo

Tinawag ang Batalyon ng Mormon sa paglilingkod militar para sa Estados Unidos sa Iowa.

1847, Abril

Nilisan ng pangkat ng mga tagabunsod ni Pangulong Brigham Young ang Winter Quarters upang maglakbay patungong kanluran (tingnan sa D at T 136).

1847, Ika-24 ng Hulyo

Dumating si Pangulong Brigham Young sa Lambak ng Salt Lake.

1847, Ika-27 ng Disyembre

Sinang-ayunan sa kumperensya ng Simbahan sina Pangulong Brigham Young, Elder Heber C. Kimball, at Elder Willard Richards bilang Unang Panguluhan.

1848, Mayo–Hunyo

Sinira ng mga kerwe ang mga pananim sa Lambak ng Salt Lake. Naligtas ang mga sakahan mula sa ganap na pagkasira nang kainin ng kawan-kawan na mga seagull (ibong-dagat) ang mga kerwe.

1849, Ika-9 ng Disyembre

Itinatag ni Richard Ballantyne ang Panlinggung Paaralan.

1850, Ika-15 ng Hunyo

Ang Deseret News ay nagsimulang malathala sa Salt Lake City.

1856, Oktubre

Naantala ang mga Willie at Martin handcart company sa maagang pag-unos ng niyebe. Sila’y natagpuan ng pangkat na tagasagip na nagmula sa Lambak ng Salt Lake.

1867, Ika-8 ng Disyembre

Muling itinatag ang Samahang Damayan sa ilalim ng tagubilin ni Pangulong Brigham Young.

1869, Ika-28 ng Nobyembre

Itinatag ang Samahang Retrenchment (Pagsupil sa Kamunduhan) ng mga Dalagita, na siyang sinundan ng programang Mga Kabataang Babae.

1875, Ika-10 ng Hunyo

Itinatag ang Samahan para sa Mutwal na Pag-unlad ng Mga Kabataang Lalaki, na siyang sinundan ng programang Mga Kabataang Lalaki.

1877, Ika-6 ng Abril

Inilaan ang Templo ng St. George. Natanggap ni Pangulong Brigham Young ang paghahayag na isaayos ang samahan ng pagkasaserdote at mga istaka ng Sion.

1878, Ika-25 ng Agosto

Idinaos ni Aurelia Spencer Rogers ang unang pulong ng Primarya sa Farmington, Utah.

1880, Ika-10 ng Oktubre

Sinang-ayunan si John Taylor bilang Pangulo ng Simbahan. Ang Mahalagang Perlas ay tinanggap bilang isang pamantayang banal na kasulatan.

1883, Ika-14 ng Abril

Paghahayag kay Pangulong John Taylor tungkol sa samahan ng mga Pitumpu.

1889, Ika-7 ng Abril

Sinang-ayunan si Wilford Woodruff bilang Pangulo ng Simbahan.

1890, Ika-6 ng Oktubre

Sinang-ayunan ang “Manifesto” sa pangkalahatang kumperensya, na ipinahahayag ang pagtigil sa pagsasagawa ng maramihang pagpapakasal (tingnan sa OP—1).

1893, Ika-6 ng Abril

Inilaan ni Pangulong Wilford Woodruff ang Templo ng Salt Lake na 40 taong ginawa.

1898, Ika-13 ng Setyembre

Naging Pangulo ng Simbahan si Lorenzo Snow.

1899, Ika-17 ng Mayo

Nakatanggap si Pangulong Lorenzo Snow ng paghahayag sa St. George na nagbigay-inspirasyon sa kanya na bigyang-diin ang ikapu (tingnan sa D at T 119).

1901, Ika-17 ng Oktubre

Naging Pangulo ng Simbahan si Joseph F. Smith.

1918, Ika-3 ng Oktubre

Natanggap ni Pangulong Joseph F. Smith ang pangitain tungkol sa pagtubos sa mga patay (tingnan sa D at T 138).

1918, Ika-23 ng Nobyembre

Naging Pangulo ng Simbahan si Heber J. Grant.

1936, Abril

Sinimulan ang Programang Pangseguridad ng Simbahan upang tulungan ang mga maralita noong panahon ng Matinding Kahirapan; ito’y naging programang pangkapakanan ng Simbahan. Ito ay bunga ng isang paghahayag na noon ay natanggap ni Pangulong Heber J. Grant.

1941, Ika-6 ng Abril

Unang pagtawag sa mga kaagapay ng Labindalawa.

1945, Ika-21 ng Mayo

Naging Pangulo ng Simbahan si George Albert Smith.

1951, Ika-9 ng Abril

Sinang-ayunan si David O. McKay bilang Pangulo ng Simbahan.

1961, Ika-30 ng Setyembre

Si Elder Harold B. Lee, sa ilalim ng tagubilin ng Unang Panguluhan, ay nagpahayag na lahat ng programa ng Simbahan ay pag-uugnayin sa pamamagitan ng pagkasaserdote upang palakasin ang mag-anak at ang bawat indibidwal.

1964, Oktubre

Ang pagdaraos ng gabing pantahanan ng mag-anak ay muling binigyang-diin.

1970, Ika-23 ng Enero

Naging Pangulo ng Simbahan si Joseph Fielding Smith.

1971, Enero

Mga bagong magasin ng Simbahan—Ensign, New Era, at Friend—ay sinimulang ilathala.

1972, Ika-7 ng Hulyo

Naging Pangulo ng Simbahan si Harold B. Lee.

1973, Ika-30 ng Disyembre

Naging Pangulo ng Simbahan si Spencer W. Kimball.

1975, Ika-3 ng Oktubre

Ipinahayag ni Pangulong Spencer W. Kimball ang muling pagtatatag sa Unang Korum ng Pitumpu.

1976, Ika-3 ng Abril

Dalawang paghahayag ang idinagdag sa Mahalagang Perlas. Noong 1981, ang mga ito ay napagkasunduang maging D at T 137 at 138.

1978, Ika-30 ng Setyembre

Sinang-ayunan ng Simbahan ang paghahayag na nagkakaloob ng pagkasaserdote sa bawat karapat-dapat na kasaping lalaki nang walang pagsasaalang-alang sa lahi o kulay ng balat (tingnan sa OP—2).

1979, Agosto

Nalathala ang LDS na edisyon ng Biblia n1 Haring Santiago na lakip ang mga pantulong sa pag-aaral.

1981, Setyembre

Ang mga bagong edisyon ng Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, Mahalagang Perlas ay nalathala sa wikang Ingles.

1984, Hunyo

Itinalaga ang mga Panguluhan ng Pook, na ang mga kasapi ay tinawag mula sa mga Pitumpu.

1985, Ika-10 ng Nobyembre

Naging Pangulo ng Simbahan si Ezra Taft Benson.

1989, Ika-1 ng Abril

Muling itinatag ang Pangalawang Korum ng Pitumpu.

1994, Ika-5 ng Hunyo

Naging Pangulo ng Simbahan si Howard W. Hunter.

1995, Ika-12 ng Marso

Naging Pangulo ng Simbahan si Gordon B. Hinckley.

1995, Ika-1 ng Abril

Ang posisyong kinatawan ng rehiyon ay itinigil. Pagpapahayag ng isang bagong posisyon sa pamumuno na tatawaging Awtoridad ng Pook.

1995, Ika-23 ng Setyembre

“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” na mula sa Unang Panguluhan at Kapulungan ng Labindalawang Apostol ay nalathala.

1997, Ika-5 ng Abril

Oordenan ang mga Awtoridad ng Pook bilang mga Pitumpu. Ipinahayag ang Pangatlo, Pang-apat, at Panlimang Korum ng Pitumpu.

1997, Ika-4 ng Oktubre

Ipinahayag ni Pangulong Hinckley ang pagpapatayo ng mas maliliit na templo.

1997, Nobyembre

Umabot sa 10 milyon ang kasapi sa Simbahan.

1998, Abril

Ipinahayag ni Pangulong Hinckley ang layuning makapagbukas ng 100 templo sa pagsapit ng taong 2000.