MGA MAPA AT Talatuntunan NG MGA PANGALAN NG LUGAR
Ang mga sumusunod na mapa ay makatutulong sa inyo upang higit na maunawaan ang maagang kasaysayan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at ang mga banal na kasulatang inihayag sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith at ng mga sumunod sa kanya. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa heograpiya ng mga lupaing tinatalakay sa mga banal na kasulatan, higit ninyong mauunawaan ang mga pangyayari sa banal na kasulatan.
-
Ang mga Dako ng New York, Pennsylvania, at Ohio sa Estados Unidos ng Amerika
-
Ang mga Dako ng Missouri, Illinois, at Iowa sa Estados Unidos ng Amerika
Ang alpabetikong talatuntunan ng mga pangalan ng lugar ay makatutulong sa inyo na matagpuan ang isang lugar sa mga mapa. Napapaloob sa bawat tala ang bilang ng mapa na sinusundan ng sanggunian na binubuo ng pinagsamang titik-bilang. Halimbawa, ang kinaroroonan ng Fort Hall ay ibinigay bilang 6:B1; ito nga ay, mapa 6, parisukat B1. Matutukoy ninyo ang mga tiyak na parisukat sa bawat mapa sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga pagtutugma sa itaas at gilid ng mapa. Ang mga iba pang katawagan sa mga lugar ay nasusulat sa loob ng mga panaklong; halimbawa, Council Bluffs (Kanesville).
Ang mga sumusunod ay susi sa pag-unawa sa iba’t ibang tanda at titik na ginamit sa mga mapa. Bilang karagdagan, ang bawat mapa ay nalalakipan ng mga susing paliwanag sa mga dagdag na tanda na nauukol lamang sa mismong mapang iyon.
- ●
-
Isang pulang tuldok ang sumasagisag sa isang lunsod o bayan. Isang guhit ang paminsan-minsang nakaturo magmula sa tuldok sa pangalan ng lunsod o lugar.
- Dagat Atlantico
-
Ang titik na ito ay ginagamit upang pangalanan ang mga heograpikong lugar, tulad ng mga karagatan, lawa, ilog, kabundukan, ilang, lambak, disyerto, at pulo.
- v13
-
Palmyra Ang titik na ito ay ginagamit para sa lahat ng lunsod at bayan.
- NEW YORK
-
Ang titik na ito ay ginagamit para sa maliliit na pagkakahating politikal, tulad ng mga rehiyon, at mga estado at teritoryo ng Estados Unidos ng Amerika.
- CANADA
-
Ang titik na ito ay ginagamit para sa malalaking pagkakahating politikal, tulad ng mga bansa, bayan, at lupalop.