5. Ilog Susquehanna
Ipinakikita ng larawang ito ang Ilog Susquehanna sa Kabayanan ng Harmony, Pennsylvania.
Mahahalagang Pangyayari: Unang nagtungo si Joseph Smith Jr. sa Harmony noong 1825 upang humanap ng mapapasukan. Siya at ang kanyang ama ay nangupahan malapit dito sa tahanan ni Isaac Hale, kung saan unang nakilala ni Joseph si Emma Hale, na kanyang mapapangasawa (JS—K 1:56–57). Ikinasal sina Joseph at Emma noong ika-18 ng Enero 1827. Natanggap ng Propeta ang mga laminang ginto noong ika-22 ng Setyembre 1827 sa Manchester, New York, at hindi nagtagal, kasama si Emma na lumipat sa Harmony, kung saan niya sinimulang isalin ang mga lamina sa maliit nilang tahanan na malapit sa ilog. Habang isinasalin ang Aklat ni Mormon, ninais nina Joseph at Oliver Cowdery na magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa pagbibinyag at naglakad patungong ilog upang manalangin sa Panginoon hinggil sa paksa. Bilang tugon sa panalanging ito, si Juan Bautista ay nagpakita noong ika-15 ng Mayo 1829 (JS—K 1:66–74; D at T 13). Iginawad niya ang Pagkasaserdoteng Aaron kina Joseph at Oliver. Pagkatapos, sila ay lumusong sa ilog na ito at bininyagan ang isa’t isa para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Pagkatapos, inutusan ni Juan Bautista sina Joseph at Oliver na ordenan ang bawat isa sa Pagkasaserdoteng Aaron. Di nagtagal, sina Pedro, Santiago at Juan ay nagpakita sa pampang ng ilog na ito at iginawad kina Joseph at Oliver ang Pagkasaserdoteng Melquisedec (D at T 27:12–13; 128:20).