Mga Tulong sa Pag-aaral
Map 5: Ang mga Dako ng Missouri, Illinois, at Iowa sa Estados Unidos ng Amerika


Map 5

Ang mga Dako ng Missouri, Illinois, at Iowa sa Estados Unidos ng Amerika

Kasaysayan sa Simbahan Mapa 5

H

Winter Quarters

Council Bluffs (Kanesville)

Bundok ng Pisgah

Iowa

Ilog Platte

Nauvoo

Garden Grove

Ramus

Montrose

Teritoryo ng Indian

Ilog Missouri

Ilog Grand

Carthage

Ilog Chariton

Springfield

Quincy

Adan-ondi-Ahman

Ilog Mississippi

Illinois

Gallatin

Sapa ng Shoal

Gilingan ni Haun

Ilog Fishing

Far West

DeWitt

Missouri

Liberty

Richmond

McIlwaine’s Bend

Fort Leavenworth

Independence

Ilog Missouri

St. Louis

Jackson County

Mga Kilometro

0 50 100 150 200

A B C D E F G H

1 2 3 4

●1

●2

●3

●4

●5

●6

●7

●8

●9

  1. Independence Tinukoy bilang tampok na lugar ng Sion (tingnan sa D at T 57:3). Isang pook para sa templo ang inilaan noong ika-3 ng Agosto 1831. Ang mga Banal ay pinaalis dito noong 1833.

  2. Ilog Fishing Si Joseph Smith at ang Kampo ng Sion ay naglakbay mula Kirtland, Ohio, patungong Missouri noong 1834 upang ibalik ang mga Banal na taga-Jackson County sa kanilang lupain. Ang D at T 105 ay inihayag sa mga pampang ng ilog na ito.

  3. Far West Ito ang pinakamalaking paninirahan ng mga Mormon sa Missouri. Isang pook para sa isang templo ang inilaan sa lugar na ito (tingnan sa D at T 115). Noong ika-8 ng Hulyo 1838, ang Korum ng Labindalawang Apostol ay nakatanggap ng tawag mula sa Panginoon na magsipagmisyon sila sa mga Isla ng Britania (tingnan sa D at T 118).

  4. Adan-ondi-Ahman Tinukoy ng Panginoon ang lugar na ito sa dakong itaas ng Missouri bilang pook kung saan magaganap ang isang malaking pagtitipon sa hinaharap sa pagdating ni Jesucristo upang makipagkita kay Adan at sa kanyang mga matwid na angkan (tingnan sa D at T 78:15; 107:53–57; 116).

  5. Piitan ng Liberty Si Joseph Smith at ang iba pa ay hindi makatwirang ibinilanggo rito magmula Disyembre 1838 hanggang Abril 1839. Sa gitna ng panahon ng kaguluhan para sa Simbahan, nanawagan si Joseph sa Panginoon upang humingi ng tagubilin at natanggap ang D at T 121–123.

  6. Nauvoo Matatagpuan sa Ilog Mississippi, ang pook na ito ang lugar kung saan nagtitipon noon ang mga Banal magmula 1839 hanggang 1846. Isang templo ang itinayo rito, at ang mga ordenansa gaya ng pagbibinyag para sa mga patay, ang endowment, at ang pagbubuklod ng mga mag-anak ay sinimulan. Dito itinatag ang Samahang Damayan noong 1842. Kabilang sa mga paghahayag na natanggap ang D at T 124–129.

  7. Carthage Pagkakamartir dito ni Propetang Joseph Smith at ng kanyang kapatid na si Hyrum noong ika-27 ng Hunyo 1844 (tingnan sa D at T 135).

  8. Winter Quarters Ang punong-himpilang paninirahan para sa mga Banal (1846–48) sa pagtungo sa Lambak ng Salt Lake. Binuo ang Kampo ng Israel para sa pakanlurang paglalakbay (tingnan sa D at T 136).

  9. Council Bluffs (Kanesville) Dito sinang-ayunan ang Unang Panguluhan noong ika-27 ng Disyembre 1847, si Brigham Young bilang Pangulo.