11. Dakong Pagtatayuan ng Templo ng Far West
Ang paninirahan sa Far West, Missouri, ay nagsilbing tahanan para sa 3,000 hanggang 5,000 mga Banal na naghanap ng kanlungan mula sa pag-uusig sa Jackson at Clay Counties. Noong ika-31 ng Oktubre 1838, dinakip si Propetang Joseph Smith at ang iba pang mga pinuno ng Simbahan at, matapos ang isang paglilitis sa Richmond, ay ikinulong sa Piitan ng Liberty. Noong taglamig ng 1838–39, pinaalis ang mga Banal sa mga Huling Araw sa Far West at sa iba pang dako sa Missouri at lumipat sa Illinois.
Mahahalagang Pangyayari: Isang dako para sa templo ang inilaan at ang mga batong panulok ay inilatag. Pitong paghahayag na nalathala sa Doktrina at mga Tipan ang natanggap (mga bahagi 113–115; 117–120). Si Joseph F. Smith, ang pang-anim na Pangulo ng Simbahan, ay isinilang noong ika-13 ng Nobyembre 1838 sa Far West. Ang Far West ay sandaling nagsilbing punong-himpilan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ni Propetang Joseph Smith.