Mapa 4
Kirtland, Ohio, 1830–38
-
Tahanan ni Newel K. Whitney Nanirahan dito sina Joseph at Emma nang ilang linggo matapos ang una nilang pagtungo sa Kirtland noong 1831.
-
Bukid ni Isaac Morley Nanirahan dito sina Joseph at Emma Smith magmula Marso hanggang Setyembre 1831. Ang mga unang mataas na saserdote ay dito inordenan. Isinagawa ni Joseph ang Pagsasalin ni Joseph Smith (PJS).
-
Tindahan ni Newel K. Whitney Dito ipinagkaloob sa Unang Panguluhan ng Simbahan ang mga susi ng kaharian. Dito unang idinaos ang Paaralan ng mga Propeta. Ang PJS ay halos matatapos na rito noong 1833. Dito nanirahan sina Joseph at Emma magmula 1832 hanggang 1833. Maraming natanggap na paghahayag si Joseph dito.
-
Bahay-panuluyan ni John Johnson Dito tinawag si Joseph Smith Sr. bilang unang Patriyarka sa Simbahan noong 1833. Narito sa bahay-panuluyan ang unang tanggapan ng palimbagan sa Kirtland. Dito nilimbag ang The Evening and the Morning Star matapos mawasak ang palimbagan sa Jackson County, Missouri. Magmula rito ay nagsilisan ang Labindalawang Apostol noong ika-4 ng Mayo 1835 para sa kanilang mga unang misyon.
-
Tahanan ni Joseph Smith Jr. Dito nanirahan sina Joseph at Emma magmula 1834 hanggang 1837. Ang pagsasalin ng aklat ni Abraham ay sinimulan.
-
Tanggapan ng Palimbagan Ang Lectures on Faith ay tinalakay sa gusaling ito. Dito tinawag at inordenan ang Labindalawang Apostol at ang Unang Korum ng Pitumpu. Ang Doktrina at mga Tipan (unang edisyon), Aklat ni Mormon (pangalawang edisyon), The Evening and the Morning Star, Latter Day Saints’ Messenger and Advocate, at ang mga unang labas ng Elders’ Journal ay nilimbag dito.
-
Templo ng Kirtland Ang templong ito ang una sa dispensasyong ito. Si Jesucristo ay nagpakita at tinanggap ang templo. Sina Moises, Elias, at Elijah ay nagpakita at ipinanumbalik ang mga tunay na susi ng pagkasaserdote (tingnan sa D at T 110). Dito rin idinaraos ang Paaralan ng mga Propeta. Mga paghahayag na natanggap dito: D at T 109, 110, 137.
Kirtland (mga hindi matukoy na lugar) Noong ika-17 ng Agosto 1835 ang Doktrina at mga Tipan ay pinagtibay bilang banal na kasulatan. Kabilang sa mga paghahayag na natanggap sa Kirtland ang D at T 41–50, 52–56, 63–64, 102–104, 106–110, 134, at 137. Tinukoy ng Bahagi 104 ang mga tiyak na ari-ariang ibinigay bilang mga pangangasiwaan ng mga kasapi ng Simbahan na kabilang sa nagkakaisang orden (tingnan sa mga talata 19–46).