Mapa 6
Ang Pakanlurang Pagkilos ng Simbahan
-
Fayette Nilisan ni Propetang Joseph Smith ang Fayette patungong Kirtland, Ohio, noong Enero 1831. Ang tatlong sangay sa New York ay sumunod noong Abril at Mayo 1831 sa ilalim ng utos ng Panginoon na magtipon (tingnan sa D at T 37; 38).
-
Kirtland Ang punong-himpilan ng Simbahan magmula ika-1 ng Pebrero 1831 hanggang ika-12 ng Enero 1838, nang magtungo ang Propeta sa Far West, Missouri.
-
Independence Tinukoy ng Panginoon ang Independence (sa Jackson County, Missouri) bilang tampok na lugar ng Sion noong Hulyo 1831 (tingnan sa D at T 57:3). Sapilitang pinaalis ng mga mandurumog ang mga Banal sa Jackson County noong Nobyembre 1833.
-
Liberty Ang mga Banal na mula Jackson County ay nagtipon sa Clay County magmula 1833 hanggang 1836, nang sila ay muling kailanganing magsialis. Dito ibinilanggo si Propetang Joseph Smith at ang iba pa.
-
Far West Isang kanlungan ang itinayo rito para sa mga Banal magmula 1836–38. Ito ang naging punong-himpilan ng Simbahan noong 1838. Noong 1838–39, ang mga Banal ay napilitang magsilikas patungong Illinois.
-
Nauvoo Ang punong-himpilan ng Simbahan magmula 1839–46. Matapos ang pagkakamartir sa Propeta at sa kanyang kapatid na si Hyrum, ang mga Banal ay nagsikilos patungong kanluran.
-
Council Bluffs Dumating dito ang mga tagabunsod noong Hunyo 1846. Ang mga kasapi sa Batalyon ng Mormon ay lumisan noong ika-21 ng Hulyo 1846 sa ilalim ng pamumuno ni James Allen.
-
Winter Quarters Punong-himpilan ng Simbahan magmula 1846–48. Ang pangkat ng pangunang hanay sa ilalim ng tagubilin ni Pangulong Brigham Young ay lumisan patungong Kanluran noong Abril 1847.
-
Fort Leavenworth Ang Batalyon ng Mormon ay sinandatahan dito bago nagsimula ang pagmartsa nila pakanluran noong Agosto 1846.
-
Santa Fe Pinamunuan ni Philip Cooke ang Batalyon ng Mormon sa pagmartsa nito magmula rito noong ika-19 ng Oktubre 1846.
-
Pueblo Tatlong pangkat ng may mga sakit sa hukbo ang inutusang magtungo sa Pueblo upang magpagaling, kung saan nila pinalipas ang taglamig ng 1846–47 kasama ng mga Banal na galing sa Mississippi. Ang mga pangkat na ito ay pumasok sa Lambak ng Salt Lake noong Hulyo 1847.
-
San Diego Dito natapos ang 3,200-kilometrong pagmamartsa ng Batalyon ng Mormon noong ika-29 ng Enero 1847.
-
Los Angeles Ang Batalyon ng Mormon ay dito itiniwalag sa tungkulin noong ika-16 ng Hulyo 1847.
-
Sacramento Ilan sa mga itiniwalag na kasapi ng batalyon ay nagtrabaho rito at sa Gilingan ng Sutter sa malayong silangan ng Ilog Amerika, kung saan tumulong silang maghanap ng ginto.
-
Salt Lake City Dumating si Brigham Young sa Lambak ng Salt Lake noong ika-24 ng Hulyo 1847.