6. Bahay na Yari sa Troso ni Peter Whitmer Sr.
Ang panibagong-tayong bahay na yari sa troso ni Peter Whitmer Sr., itinayo sa pundasyon ng orihinal na tahanan sa Fayette, New York.
Mahahalagang Pangyayari: Dito natapos ni Joseph Smith ang pagsasalin sa Aklat ni Mormon sa mga huling araw ng Hunyo ng 1829. Sa kakahuyang malapit sa tahanang ito, nakita ng Tatlong Saksi si anghel Moroni at ang mga laminang ginto. Ang kanilang patotoo ay nakalathala ngayon sa lahat ng sipi ng Aklat ni Mormon. Noong ika-6 ng Abril 1830, mga 60 katao ang nagtipon sa tahanan ni Peter Whitmer upang masaksihan ang pormal na pagtatatag ng Simbahan ni Jesucristo. Ang mga unang pulong at kumperensya ng bagong Simbahan ay dito ginanap. Dalawampu sa mga paghahayag na nilalaman ng Doktrina at mga Tipan ay natanggap sa tahanan ni Peter Whitmer.