Mga Tulong sa Pag-aaral
8. Tahanan ni John Johnson


8. Tahanan ni John Johnson

Ang tahanan nina John at Alice Johnson ay matatagpuan sa Hiram, Ohio. Ang silid na ito ay nasa ikalawang palapag.

Mahahalagang Pangyayari: Ang Propetang Joseph Smith at ang kanyang asawa, si Emma, ay nanirahan sa tahanang ito. Natanggap nina Joseph at Sidney Rigdon ang kahanga-hangang pangitain ng mga antas ng kaluwalhatian sa harapan ng ilan pang katao noong ika-16 ng Pebrero 1832 (D at T 76). Isinagawa rin ni Propetang Joseph ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia (PJS) sa tahanang ito. Noong ika-24 ng Marso 1832, habang sina Joseph at Emma ay naninirahan dito, isang pangkat ng mga taong tumalikod sa katotohanan at anti-Mormon ang bumugbog nang matindi at naglagay ng alkitran at balahibo kina Joseph at Sidney.

Ng Larawan 8

8. Tahanan ni John Johnson Samantalang nasa bahay na ito at nagsasagawa ng pagsasalin ng Biblia, natanggap nina Propetang Joseph Smith at Sidney Rigdon ang paghahayag na ngayon ay natatala sa Doktrina at mga Tipan 76, pati na rin ang iba pang mga paghahayag.