Mga Tulong sa Pag-aaral
12. Piitan ng Liberty


12. Piitan ng Liberty

Isang maliit na piitan na matatagpuan sa Liberty, Missouri. Si Joseph Smith at lima pang mga kapatid ay nabilanggo sa may 1.2 metrong (apat na talampakan) kapal ng mga pader nito mula ika-1 ng Disyembre 1838 hanggang ika-6 ng Abril 1839. (Si Sidney Rigdon ay pinalaya nang katapusan ng Pebrero.) Nakakulong sa ibabang bahagi o bartolina ng gusali, sila ay natulog sa malamig na sementong sahig na nalalatagan ng dayami na may kakaunting liwanag at proteksyon mula sa ginaw ng taglamig.

Mahalagang Pangyayari: Si Propetang Joseph, na nagsusumamo para sa libu-libong mga Banal sa mga Huling Araw na pinaalis sa Missouri, ay nakatanggap ng tugon sa kanyang panalangin, na isinulat niya sa isang liham sa mga Banal na ipinatapon (D at T 121–123).

Ng Larawan 12

12. Piitan ng Liberty Samantalang nasa hindi makatwirang pagkakabilanggo rito (1838–39), natanggap ni Propetang Joseph Smith ang paghahayag na ngayon ay natatala sa Doktrina at mga Tipan 121–123.