9. Templo ng Kirtland
Ang Templo ng Kirtland ay matatagpuan sa Kirtland, Ohio.
Mahahalagang Pangyayari: Ang Templo ng Kirtland ang unang templong naitayo sa dispensasyong ito (D at T 88:119; 95). Sa templong ito, nakita ni Joseph Smith ang pangitain ng selestiyal na kaharian (D at T 137). Ito ay inilaan noong ika-27 ng Marso 1836 (D at T 109). Noong ika-3 ng Abril 1836, ang Tagapagligtas ay nagpakita at tinanggap ang templo bilang isang lugar na mapaghahayagan niya ng kanyang salita sa kanyang mga tao (D at T 110:1–10). Kasunod ng pagpapakitang ito, sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay nakatanggap ng mga dalaw mula kina Moises, Elias, at Elijah, silang lahat ay nagbigay sa kanila ng mga susi ng pagkasaserdote at mahalagang kaalaman (D at T 110:11–16). Ang templong ito ay nagsilbi sa mga Banal nang halos dalawang taon bago nila kinailangang iwanan ang Kirtland dahil sa pag-uusig.