Mga Tulong sa Pag-aaral
13. Bahay na Mansyon sa Nauvoo


13. Bahay na Mansyon sa Nauvoo

Lumipat si Joseph Smith Jr. at ang kanyang mag-anak sa Bahay na Mansyon sa Nauvoo noong Agosto 1843. Di nagtagal dinugtungan ang silangang bahagi ng pangunahing gusali para sa kabuuang 22 silid. Magmula noong Enero 1844, pinangasiwaan ni Ebenezer Robinson ang bahay bilang isang hotel, at pinanatili ng Propeta ang anim sa mga silid para sa kanyang mag-anak. Ang bahay ay halos nagsilbing sentrong panlipunan ng sambayanan ng Nauvoo. Matataas na pinuno ang tinanggap dito ng Propeta.

Mahahalagang Pangyayari: Noong ika-27 ng Hunyo 1844 si Propetang Joseph at ang kanyang kapatid na si Hyrum ay binaril at pinatay sa Carthage, Illinois, at dinala ang kanilang mga bangkay sa bahay na ito upang iburol bago ilibing. Sila ay inilibing sa isang maliit na lote ng mag-anak sa sementeryo na nasa kabilang panig lamang ng Kalyeng Main sa kanluran ng lumang tahanang yari sa troso kung saan nanirahan si Joseph nang una siyang dumating sa Nauvoo. Nanirahan si Emma Smith sa Bahay na Mansyon hanggang 1871. Pagkatapos siya ay lumipat sa Bahay ng Nauvoo, kung saan siya namatay noong 1879.

Ng Larawan 13

13. Bahay na Mansyon sa Nauvoo Ang tahanan ng mag-anak ni Propetang Joseph Smith magmula 1843. Noong mga unang araw ng Simbahan, ito ay naging sentro ng panlipunang pamumuhay ng mga Banal.