Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia PambungadAng mga sumusunod ay mga piniling bahagi ng mga Pagsasalin ni Joseph Smith sa Salin ni Haring James ng Biblia (PJS). Binigyang-inspirasyon ng Panginoon ang Propetang si Joseph Smith upang ibalik sa teksto ng Biblia ang katotohanan na nawala o nabago magmula noong isulat ang mga orihinal na salita. Binibigyang-linaw ng ibinalik na katotohanang ito ang doktrina at higit na pinagbuti ang pag-unawa sa banal na kasulatan. Ang mga piniling sipi para sa Gabay ay nararapat na makatulong na higit ninyong maunawaan ang mga banal na kasulatan anuman ang wikang ginamit sa pagsasalin nito. PJS, Genesis PJS, Genesis 9(Ang tao ay mananagot sa pagpaslang at gayon din sa pag-aaksaya sa buhay ng mga hayop.) PJS, Genesis 14(Binanggit ang dakilang ministeryo ni Melquisedec; ang mga kapangyarihan at pagpapala ng Pagkasaserdoteng Melquisedec ay inilarawan.) PJS, Genesis 15(Nakita ni Abraham sa isang pangitain ang Anak ng Diyos at nalaman ang tungkol sa pagkabuhay na mag-uli.) PJS, Genesis 17(Pinagtibay ng Diyos ang isang tipan ng pagtutuli kay Abraham. Ang ordenansa ng pagbibinyag at ang gulang ng mga bata kung kailan magkakaroon ng pananagutan ay ipinahayag kay Abraham.) PJS, Genesis 19(Pinaglabanan ni Lot ang kasamaan ng Sodoma.) PJS, Genesis 48(Ang mga binhi ni Jose ang mamumuno sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw.) PJS, Genesis 50(Sina Moises, Aaron, at Joseph Smith ay binanggit lahat sa propesiyang ito ni Jose sa Egipto. Gayon din, iprinopesiya ni Jose na ang Aklat ni Mormon ay magiging katuwang ng talaan ni Juda.) PJS, Exodo PJS, Exodo 4(Walang kinalaman ang Panginoon sa katigasan ng puso ni Faraon. Tingnan din sa PJS, Exodo 7:3, 13; 9:12; 10:1, 20, 27; 11:10; 14:4, 8, 17; bawat sanggunian, kapag naisalin nang wasto, ay nagpapakitang tinigasan ni Faraon ang kanyang sariling puso.) PJS, Exodo 18(Si Jethro ay isang mataas na saserdote.) PJS, Exodo 22(Ang mga mamamatay-tao ay hindi mabubuhay.) PJS, Exodo 33(Walang makasalanang tao ang makakikita sa mukha ng Diyos at mabubuhay.) PJS, Exodo 34(Naglalaman ang ikalawang huwego ng mga tapyas na bato na ibinigay kay Moises ng nakabababang batas kaysa sa nauna.) PJS, Deuteronomio PJS, Deuteronomio 10(Ipinahayag ng Diyos sa naunang huwego ng mga tapyas na bato ang walang hanggang tipan ng banal na pagkasaserdote.) PJS, 1 Samuel PJS, 1 Samuel 16(Ang masamang espiritu na napasa kay Saul ay hindi mula sa Panginoon.) PJS, 2 Samuel PJS, 2 Samuel 12(Hindi inalis ng Diyos ang mabigat na kasalanan ni David.) PJS, 2 Mga Cronica PJS, 2 Mga Cronica 18(Hindi naglalagay ng mandarayang espiritu ang Panginoon sa mga bibig ng mga propeta.) PJS, Mga Awit PJS, Mga Awit 14(Ang Mang-aawit ay nagsaya sa araw ng panunumbalik.) PJS, Mga Awit 24(Ipinagbubunyi ng awiting ito ang ikalawang pagparito ni Cristo.) PJS, Mga Awit 109(Dapat nating ipagdasal ang ating mga kaaway.) PJS, Isaias PJS, Isaias 42(Isusugo ng Panginoon ang kanyang tagapaglingkod sa mga yaong bulag.) PJS, Jeremias PJS, Jeremias 26(Ang Panginoon ay hindi nagsisisi; tao ang nagsisisi.) PJS, Amos PJS, Amos 7(Ang Panginoon ay hindi nagsisisi; tao ang nagsisisi.) PJS, Mateo PJS, Mateo 3(Inilarawan ang kabataan at pagkabata ni Jesus.) PJS, Mateo 4(Si Jesus ay inakay ng Espiritu, hindi ni Satanas.) PJS, Mateo 6(Hindi tayo aakayin ng Panginoon sa mga tukso.) PJS, Mateo 7(Huwag hahatol nang di makatarungan.) PJS, Mateo 9(Tinanggihan ni Jesus ang binyag ng mga Fariseo; ibinigay niya ang bataS ni Moises.) PJS, Mateo 16(Ang ibig sabihin ng pariralang “pasanin ang krus ni Jesus” ay tumanggi sa kasamaan.) PJS, Mateo 17(Dalawang Elias ang darating—isang maghahanda at isang magpapanumbalik.) PJS, Mateo 18(Ang maliliit na bata ay hindi nangangailangan ng pagsisisi.) PJS, Mateo 19(Ang maliliit na bata ay maliligtas.) PJS, Mateo 21(Kailangang magsisi ang tao bago siya maaaring maniwala kay Cristo.) PJS, Mateo 23(Siya na nasa langit ay ating tagapaglikha.) PJS, Mateo 26(Pinasimulan ni Jesus ang sakramento.) PJS, Mateo 27(Inilarawan ang kamatayan ni Judas.) PJS, Marcos PJS, Marcos 9(Si Juan Bautista ay naroon sa Bundok ng Pagbabagong-anyo.) PJS, Marcos 12(Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, sapagkat pinababangon niya ang mga patay mula sa kanilang mga libingan.) PJS, Marcos 14(Pinasimulan ni Jesus ang sakramento.) PJS, Marcos 16(Binati ng dalawang anghel ang mga babae sa libingan ng Tagapagligtas.) PJS, Lucas PJS, Lucas 1(Si Zacarias, na ama ni Juan Bautista, ay gumaganap sa mga tungkulin ng pagkasaserdote.) PJS, Lucas 2(Nakikinig kay Jesus ang mga guro sa templo at nagtatanong sa kanya.) PJS, Lucas 3(Paparito si Cristo upang tuparin ang propesiya, alisin ang mga kasalanan, magdala ng kaligtasan, at maging ilaw, at paparito siya sa araw ng kapangyarihan at sa kaganapan ng panahon.) PJS, Lucas 11(Ang kabuuan ng mga banal na kasulatan ay susi ng karunungan.) PJS, Lucas 12(Ang paglapastangan laban sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad.) PJS, Lucas 16(Naglaan si Jesus ng kaugnay na kahulugan sa talinghaga ng mayamang tao at si Lazaro.) PJS, Lucas 17(Ang kaharian ng Diyos ay dumating na.) PJS, Lucas 18(Ang pagtitiwala sa kayamanan ang humahadlang sa tao sa pagpasok sa kaharian ng Diyos.) PJS, Lucas 21(Ipinaliwanag ni Jesus ang mga palatandaan ng kanyang pagparito.) PJS, Lucas 23(Humingi si Jesus ng kapatawaran para sa mga Romanong kawal na nagpako sa kanya.) PJS, Juan PJS, Juan 1(Ipinangaral na mula pa sa simula ang ebanghelyo ni Jesucristo. Isang Elias [Juan Bautista] ang maghahanda ng landas para kay Cristo, at isa pang Elias [Cristo] ang magpapanumbalik sa lahat ng bagay.) PJS, Juan 4(Nagsagawa si Jesus ng mga pagbibinyag.) PJS, Juan 13(Hinugasan ni Jesus ang mga paa ng mga Apostol.) PJS, Juan 14(Ang prinsipe ng kadiliman, o si Satanas, ay nasa daigdig na ito.) PJS, Mga Gawa PJS, Mga Gawa 9(Yaong mga kasama ni Pablo sa kanyang pagbabalik-loob ay nakita ang liwanag, subalit hindi nila narinig ang tinig o nakita man ang Panginoon.) PJS, Mga Taga Roma PJS, Mga Taga Roma 4(Kinakailangan kapwa ang pananampalataya at mga gawa, sa pamamagitan ng biyaya, para sa kaligtasan.) PJS, Mga Taga Roma 7(May kapangyarihan si Cristo na baguhin ang kaluluwa ng mga tao.) PJS, Mga Taga Roma 8(Yaong mga umaayon sa laman ay hindi makalulugod sa Diyos.) PJS, 1 Mga Taga-Corinto PJS, 1 Mga Taga-Corinto 7(Sinagot ni Pablo ang mga katanungan hinggil sa pag-aasawa ng mga yaong tinawag sa mga misyon.) PJS, 1 Mga Taga-Corinto 15(May tatlong antas ng kaluwalhatian sa pagkabuhay na mag-uli.) PJS, 2 Mga Taga-Corinto PJS, 2 Mga Taga-Corinto 5(Pinayuhan ni Pablo ang mga Banal na huwag mamuhay nang ayon sa laman.) PJS, Mga Taga-Galacia PJS, Mga Taga-Galacia 3(Si Cristo ang tagapamagitan ng bagong tipan. Inihambing ang bataS ni Moises [lumang tipan] at ang walang hanggang ebanghelyo [bagong tipan].) PJS, Mga Taga-Efeso PJS, Mga Taga-Efeso 4(Ang galit na di makatwiran ay kasalanan.) PJS, 1 Mga Taga-Tesalonica PJS, 1 Mga Taga-Tesalonica 4(Walang kalamangan ang yaong mabubuting tao na buhay sa pagparito ng Panginoon sa mabubuting patay.) PJS, 2 Mga Taga-Tesalonica PJS, 2 Mga Taga-Tesalonica 2(Ipinopropesiya ni Pablo ang lubusang pagtalikod sa katotohanan bago bumalik ang Panginoon.) PJS, 1 Timothy PJS, 1 Timothy 2(Si Cristo ang Bugtong na Anak at Tagapamagitan.) PJS, 1 Timothy 6(Yaong may liwanag ng kawalang-kamatayan na nananahan sa kanila ay makikita si Jesus.) PJS, Sa mga Hebreo PJS, Sa mga Hebreo 1(Mga naglilingkod na espiritu ang mga anghel.) PJS, Sa mga Hebreo 4(Inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig ang mga gawain ng Diyos.) PJS, Sa mga Hebreo 5(Ipinahahayag ng isang tala sa manuskrito ng PJS na ang mga talata 7 at 8 ay tumutukoy kay Melquisedec at hindi kay Cristo. Maliban dito, ang mga teksto sa KJV at PJS ay magkatulad.) PJS, Sa mga Hebreo 6(Umaakay ang mga alituntunin ni Cristo tungo sa pagiging ganap.) PJS, Sa mga Hebreo 7(Ang banal na pagkasaserdote alinsunod sa orden ng Anak ng Diyos ay walang ama o ina at ni walang simula ni katapusan ng mga araw.) PJS, Sa mga Hebreo 11(Ang pananampalataya ang kapanatagan sa mga bagay na inaasam.) PJS, Santiago PJS, Santiago 1(Mga paghihirap, hindi mga tukso, ang nakatutulong upang tayo ay mapabanal.) PJS, Santiago 2(Hindi dapat itangi ng mga kasapi ang isang tao nang higit kaysa sa isa.) PJS, 1 Pedro PJS, 1 Pedro 3(Ang ilan sa espiritu sa bilangguan ay masasama noong mga araw ni Noe.) PJS, 1 Pedro 4(Ipinangaral ang ebanghelyo sa yaong mga patay.) PJS, 1 Juan PJS, 1 Juan 2(Magiging tagapamagitan natin si Cristo sa Ama kung tayo ay magsisisi.) PJS, 1 Juan 3(Ang sinumang isinilang sa Diyos ay hindi magpapatuloy sa kasalanan.) PJS, 1 Juan 4(Yaong mga tao lamang na naniniwala sa Diyos ang maaaring makakita sa kanya.) PJS, Apocalipsis PJS, Apocalipsis 1(Nakatanggap si Juan ng isang paghahayag mula kay Jesucristo at inihayag ito sa mga pinuno ng pitong simbahan sa Asia.) PJS, Apocalipsis 2(Itatapon sa impiyerno ang masasama.) PJS, Apocalipsis 5(Isinugo sa buong mundo ang labindalawang tagapaglingkod ng Diyos.) PJS, Apocalipsis 12(Ang babae [ang Simbahan], ang bata [ang kaharian ng Diyos], ang gabay na bakal [ang salita ng Diyos], ang dragon [Satanas], at si Miguel [Adan] ay ipinaliwanag. Nagpapatuloy rito sa lupa ang digmaan sa langit.) PJS, Apocalipsis 19(Ginagamit ng Diyos ang salita ni Cristo upang bagabagin ang mga bansa.)