2021
Isang Pagdalaw mula kay Juan Bautista
Pebrero 2021


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Isang Pagdalaw mula kay Juan Bautista

Tingnan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Doktrina at mga Tipan 12–3; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75..

Larawan
Joseph and Oliver praying in woods

Isang araw ay may naisip na tanong sina Joseph Smith at Oliver Cowdery. Ano ang tamang paraan para mabinyagan? Nanalangin sila para malaman ang sagot.

Larawan
the angel John the Baptist

Dumating ang isang anghel. Ito ay si Juan Bautista. Siya ang nagbinyag kay Jesus. Sinabi niya sa kanila na kailangan nila ang priesthood para magbinyag ng mga tao.

Larawan
John the Baptist blessing Joseph and Oliver

Binasbasan ni Juan sina Joseph at Oliver. Ibinigay niya sa kanila ang priesthood. Ngayon ay maaari na silang magbinyag ng mga tao sa paraan ng pagkabinyag kay Jesus.

Larawan
Oliver baptizing Joseph in river

Bininyagan ni Joseph si Oliver sa ilog. Pagkatapos ay bininyagan ni Oliver si Joseph. Kalaunan, marami pang iba ang nabinyagan.

Larawan
young girl being baptized in font

Dahil sinagot ng Ama sa Langit ang panalangin ni Joseph Smith, ang priesthood ay naipanumbalik sa lupa! Maaari akong mabinyagan tulad ni Jesus.

Mga paglalarawan ni Apryl Stott

Print