Pagtulong Tulad ni Jesus
Ibinahagi ni Jesus ang Ebanghelyo
Ang mga tao ay nagugutom kapag kailangan ng pagkain ng kanilang katawan. Nagugutom sila sa ibang paraan kapag kailangan nilang marinig ang ebanghelyo.
Isang araw, libu-libong katao ang pumunta para makita si Jesus. Pinakain silang lahat ni Jesus sa pamamagitan lang ng limang tinapay at iilang isda.
Kinabukasan, muling pumunta ang mga tao kay Jesus. Sinabihan sila ni Jesus na maghanap ng ibang uri ng tinapay. “Ako ang tinapay ng buhay,” sabi Niya. Kung mahahanap ng mga tao si Jesus at ang Kanyang ebanghelyo, ang kanilang mga espiritu ay hindi na muling magugutom kailanman.
Minsan ay sinabi ko sa aking kaibigan, “Nagsisimba ako at natututuhan ko ang tungkol sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo.” Kalaunan ay nagsimula siyang magsimba na kasama namin. Sinabi niya na gusto raw niyang mabinyagan sa lalong madaling panahon! Ikinatuwa iyon ng aking kalooban.
Mary E., edad 8, Utah, USA