2021
Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Pebrero 2021


Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan

Bawat buwan, matuto tungkol sa mahahalagang tao sa kasaysayan ng Simbahan! Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ang mga ito.

Larawan
cut out cards of Church history figures

Ang Tatlong Saksi

“Aming namasdan ito at nagpapatunay kami na ang mga bagay na ito ay totoo.”

“Ang Patotoo ng Tatlong Saksi,” Aklat ni Mormon

  • Sina Oliver Cowdery, David Whitmer, at Martin Harris ay mga kaibigan ni Propetang Joseph Smith.

  • Nakakita sila ng isang anghel, na siyang nagpakita sa kanila ng mga laminang ginto. Isinulat nila ang kanilang patotoo. Mababasa mo ito pagkatapos ng pambungad ng Aklat ni Mormon.

  • Sila ay ilan sa mga unang taong nabinyagan bilang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Lucy Mack Smith

1775–1856

“Ang aklat na iyon ay ibinigay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.”

Lucy Mack Smith, History of Joseph Smith (Bookcraft, 1958), p. 204

  • Siya ang ina ni Joseph Smith.

  • Tinuruan niya ang kanyang mga anak tungkol sa Diyos. Magkakasama silang nanalangin at nagbasa ng Biblia.

  • Pinamunuan niya ang isang grupo ng mga Banal patungong Kirtland sakay ng barko. Nang magyelo ang tubig, hinikayat niya ang mga Banal na manalangin. Nabitak ang yelo kaya nakapaglayag ang barko!

Mga paglalarawan ni Brooke Smart

Print