Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Pambihirang Lakas
Para sa Doktrina at mga Tipan 10–11
-
Awitin ang “Ako’y Magiging Magiting” (Aklat ng mga Awit Pambata, 85).
-
Itinuro ni Jesus na ang pananalangin palagi ay makatutulong sa atin na “magtagumpay” (Doktrina at mga Tipan 10:5). Ang ibig sabihin niyon ay matutulungan tayo ng pananalangin na maging malakas sa espirituwal!
-
Hamunin ang iyong pamilya sa isang paligsahan sa pag-push-up! Ilan ang kaya mong gawin? Anong bagay ang magagawa mo para maging malakas ka sa espirituwal?
Mga Kuwento tungkol sa Binyag
Para sa Doktrina at mga Tipan 12–13; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75
-
Awitin ang “Ang Pagkasaserdote ay Naipanumbalik” (Aklat ng mga Awit Pambata, 60).
-
Nagpakita si Juan Bautista at ibinigay niya kina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang priesthood. Pagkatapos ay bininyagan sila sa ilog (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–71).
-
Pumili ng isang kuwentong babasahin tungkol sa binyag. (Maaari kang makahanap ng ilan sa mga pahina 4, 8, 16, at 40!) Pagkatapos ay magbahagi ng mga alaala tungkol sa binyag mula sa iyong pamilya. Kung hindi ka pa nabibinyagan, talakayin kung ano sa palagay mo ang magiging pakiramdam niyon!
Naisakatuparan ang Misyon
Para sa Doktrina at mga Tipan 14–17
-
Awitin ang “Nais Ko nang Maging Misyonero” (Aklat ng mga Awit Pambata, 90).
-
Itinuro ni Jesus na ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay isa sa pinakamahahalagang bagay na maaari nating gawin (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 15:6).
-
Basahin ang kuwento sa pahina 32 para malaman kung paano ibinahagi ng isang pamilya sa Bosnia ang ebanghelyo sa kanilang kaibigan na si Vicky. Pagkatapos ay magtakda ng mithiin na ibahagi ang ebanghelyo sa isang tao. Maaari kang magbahagi ng kopya ng Kaibigan o maaari mo silang anyayahan sa home evening sa susunod na linggo!
Mga Hulugan ng Sulat ng Pagmamahal
Para sa Doktrina at mga Tipan 18–19
-
Awitin ang “Ako ay Namangha” (Mga Himno, blg. 115).
-
Itinuro ni Jesus na “ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 18:10). Ang ibig sabihin niyon ay mahalaga ang bawat tao—kabilang ka!—kay Jesus at sa Ama sa Langit. Paano mo nararamdaman ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa iyo?
-
Gumawa ng kunwa-kunwariang mailbox o hulugan ng sulat para sa bawat tao sa iyong pamilya. Pagkatapos ay mag-iwan ng maiikli pero taos-pusong sulat sa isa’t isa para matulungan ang lahat na maramdamang minamahal sila!