Mula sa Unang Panguluhan
Ang Iyong Tipan sa Binyag
Hango mula sa “Taking upon Us the Name of Jesus Christ,” Ensign, Mayo 1985, 80–83.
Ano ang ipinapangako natin sa Ama sa Langit kapag nabinyagan tayo?
Nangangako tayong tataglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo, paglilingkuran Siya, at susundin ang Kanyang mga kautusan.
Ano ang ibig sabihin ng tataglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo?
-
Ang ibig sabihin nito ay magiging miyembro tayo ng Kanyang Simbahan, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
-
Ang ibig sabihin nito ay sasabihin natin sa iba ang tungkol sa ating paniniwala kay Jesucristo. Maaari nating sabihin sa ating mga kaibigan, sa ating mga kapit-bahay, at sa iba pa ang tungkol sa Kanya.
-
Ang ibig sabihin nito ay maglilingkod tayo sa Kanya at tutulong tayo sa Kanyang gawain.
Paghahanda para sa Binyag
Bago ang iyong binyag, ikaw ay iinterbyuhin ng isang miyembro ng inyong bishopric. Tatanungin ka niya ng ilang tanong na tulad ng mga ito:
-
Naniniwala ka ba na si Jesuscristo ang iyong Tagapagligtas?
-
Sinisikap mo bang mabuti na sundin ang mga kautusan?
-
Sa palagay mo ba ay handa ka nang makipagtipan sa Ama sa Langit?
Sundan ang maze sa bawat larawan para makita kung paano mo tataglayin ang pangalan ni Jesus. (Hint: Huwag tatawid sa alinmang itim na linya.)