2021
Minamahal na mga Kaibigan
Pebrero 2021


Minamahal na mga Kaibigan,

Larawan
boy from Venezuela holding Spanish copy of Friend

Ang isyung ito ay tungkol sa mga pagpapala ng binyag! Isa ito sa pinakamagagandang bagay na magagawa mo. Mangangako kang sundin si Jesucristo. Magiging miyembro ka ng Kanyang Simbahan. At kapag kinumpirma ka, matatanggap mo ang Espiritu Santo para gabayan ka sa iyong landas pabalik sa Ama sa Langit. Ilang pahina tungkol sa binyag at sa Espiritu Santo ang mahahanap mo sa isyung ito?Mahal ka namin, Ang Kaibigan

Saan Ko Binabasa ang Kaibigan

Binabasa ni Daniel C., edad 12, Zulia, Venezuela, ang Kaibigan sa wikang Espanyol. Gustong-gusto niyang ibinibigay ang magasin sa kanyang mga kaibigan!

Templo’y Ibig Makita

Na-miss namin ang pagpunta sa templo nang isara ito dahil sa COVID-19. Kaya nagtayo ako ng isang templong gawa sa block para sa amin sa bahay!

Eliam P., edad 10, North Brabant, Netherlands

Matutong Manalangin

Gustong-gusto ko noon na ginagawa ang tagpo sa gubat at natututo tungkol kay Enos (Marso 2020). Nalaman kong maaari akong manalangin anumang oras.

Bethany S., edad 6, Tasmania, Australia

Print