Pangako Ko sa Binyag
Magiliw [sangkapat na nota] = 108
1. Minahal ni Jesusang Ama,
Sumunod Siya sa Kanya,
Sa Jordan, kasama si Juan,
Doon Siya nabinyagan.
‛Tinuro Niya ang tamang daan
Pabalik sa langit na aking tahanan.
2. ‛Pag ako ay nabinyagan na,
Siya’y aking tutularan,
Kapwa ko ay mamahalin ko,
Susundin ko si Cristo.
Espiritu ang aking gabay,
Sa tuwina si Jesus aking igagalang.
3. At kapag ako ay nangako,
Magiging tapat ako,
Landas ng tipan susundin ko,
Liwanag ay hahangarin.
Siya ay aking gugunitain
Sa sakramento, ako’y lilinisin.