Para sa mga mas Nakatatandang Bata
Mungkahi para sa Mga Bata at Kabataan
Maghanap ng makakasama sa mga mithiin! Ibahagi ang inyong mga mithiin sa isa’t isa. Pagkatapos ay maaari kayong magkumustahan at magbigay ng suporta at panghihikayat sa isa’t isa.
Paggawa ng Mahihirap na Bagay
Alam ko na sulit ang pagsunod sa Ama sa Langit dahil palagi Siyang may plano na may mabubuting bunga kalaunan. Nagpapasalamat ako na tinutulungan ako ng Ama sa Langit na makagawa ng mahihirap na bagay. Gaano man kahirap ang mga bagay-bagay, alam kong palagi akong makakaasa sa Ama sa Langit.
Jayden T., edad 10, New Mexico, USA
Family History Corner
Interbyuhin ang iyong lolo o lola o iba pang kapamilya! Una, magsulat ng isang listahan ng mga tanong. Pagkatapos, tawagan ang iyong kapamilya sa telepono at sabihin sa kanya ang iyong mga tanong. Magpatulong sa isang tao na isulat o itala ang usapan.