Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Bata
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Para sa Doktrina at mga Tipan 10–11: Tulungan ang maliliit na bata na ibaluktot ang kanilang mga braso at sabihing, “Tinutulungan ako ng pananalangin na maging malakas.” Pagkatapos, tulungan ang iyong mga anak na maglista ng mga bagay na maaari nilang ipanalangin na matulungan sila.
Para sa Doktrina at mga Tipan 12–13; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75: Buklatin ang mga pahina ng magasing ito at tulungan ang maliliit na bata na ituro ang mga larawan ng mga taong binibinyagan. Sa bawat pagkakataon, tulungan silang sabihing, “Maaari akong mabinyagan balang-araw.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 14–17: Tulungan ang maliliit na bata na sabihing, “Kaya kong tulungan ang iba na malaman ang tungkol kay Jesus.” Pagkatapos, ibahagi sa kanila ang iyong paboritong kuwento o awitin tungkol kay Jesus.
Para sa Doktrina at mga Tipan 18–19: Tulungan ang maliliit na bata na sabihing, “Mahalaga ako sa Ama sa Langit.” Pagkatapos, awitin ang “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2) at sabihan ang iyong mga anak na yakapin ang kanilang sarili kapag inaawit nila ang mga salitang, “Ako ay anak ng Diyos.”