Kaibigan sa Kaibigan
Pagdama sa Pagmamahal ni Cristo
Mula sa isang panayam kasama ni Haley Yancey.
Noong lumalaki ako sa Japan, binigyan ako ng isang Biblia sa paaralan. May mga salitang Ingles at Hapones iyon na magkatabi. Sinabihan kami ng aming punong-guro na gamitin iyon para mag-aral ng Ingles.
Habang binabasa ko iyon, nalaman ko ang tungkol kay Jesus. Sino ang taong ito na punong-puno ng pagmamahal? Napaisip ako. Ang mga salitang sinabi Niya ay nagpaligaya sa akin. Ninais kong malaman ang iba pa tungkol sa Kanya.
Kalaunan, nakilala ko ang mga missionary. Binigyan nila ako ng kopya ng Aklat ni Mormon at hiniling nila sa akin na basahin iyon at manalangin tungkol doon. Nagustuhan ko ang pagbabasa tungkol kay Jesus sa Aklat ni Mormon. Nanalangin ako at nadama ko na iyon ay totoo.
Walang sinuman sa aking pamilya ang may gustong malaman ang tungkol sa Simbahan. Itinuro ni Jesus na dapat nating igalang ang ating mga magulang, pero tutol ang aking mga magulang na sumapi ako sa Simbahan. Mahirap iyon.
Sinabi ko sa aking mga magulang ang nadarama ko. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa aking mga panalangin. Hindi nila naintindihan. Nagtaka sila kung bakit gusto kong talikuran ang aming relihiyon.
Patuloy akong sumubok. Kalaunan ay sinabi ng aking mga magulang na maaari na akong magpabinyag. Makalipas ang maraming taon, nabinyagan din ang aking ina.
Alam ko na pinagpala ako sa hangaring sundin si Jesus. Gustong-gusto kong pinag-aaralan ang tungkol sa Kanya, at alam ko na ang pagsunod sa Kanya ay naghahatid ng mga pagpapala.
Gusto ni Jesus na Sumunod Ako sa Kanya
Gusto ni Jesus na sumunod tayo sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapabinyag. Basahin ang mga talata. Pagkatapos ay kulayan ang mga katugmang hugis.