Ang Dula
Natutuwa ako na ang bagong programa na Mga Bata at Kabataan ay nagbibigay sa akin ng pagkakataon na magtakda ng mga mithiin para sa aking sarili at isakatuparan ang mga ito kasama ang aking pamilya. Ang isa sa aking mga mithiin ay magtanghal ng isang dula tungkol sa banal na kasulatan tuwing araw ng Linggo kasama ang nakababata kong kapatid na si Sam.
Isang beses ay pinili namin si Daniel sa yungib ng mga leon. Nasiyahan kami sa pagpaplano nito. Kaso biglang nagtanong ang aming nakababatang kapatid na si Michael, na 4 na taong gulang, “Maaari ba akong sumali sa dula ninyo?”
Noong una ay tumanggi kami.
Pero nagsimulang umiyak si Michael.
Kaya sabi ko, “Sam! Tara sa silong.”
Bumaba kami ni Sam sa silong. Sabi ni Sam, “Hindi maaaring sumali sa dula si Michael. Hindi niya kayang kabisaduhin ang kanyang mga linya!”
Pero may naisip akong ideya. Sabi ko, “Hayaan mo siyang sumali sa dula. Makinig ka, maaari siyang maging leon! Hindi ka maaaring magkaroon ng Daniel at yungib ng mga leon kung walang leon. Pasalihin natin siya!”
Pagsapit ng araw ng Linggo, ang araw ng pagtatanghal, nagpunta kami sa aming mga puwesto at sinimulan namin ang dula. Napakahusay ng ginawa namin. Mahusay ang pag-atungal ni Michael.
Alam ko na kasama ko ang Espiritu nang sabihin kong maaaring sumali sa dula si Michael. Itinuro sa akin ng karanasang ito na kung tila malungkot o nag-iisa ang isang tao, dapat natin siyang isali. Sana subukan mo ang bagong programa na Mga Bata at Kabataan. Alam kong makatutulong din ito sa iyo na maging higit na katulad ni Jesus!