2021
Kilalanin si Raiarii mula sa Tahiti
Pebrero 2021


Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Kilalanin si Raiarii mula sa Tahiti

Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.

photo of Raiarii in Tahiti climbing a tree

Lahat ng tungkol kay Raiarii

Edad: 9

Mula sa: Tahiti

Wika: Pranses

Pamilya: Inay, Itay, tatlong kapatid na lalaki, at isang kapatid na babae

Mga mithiin at pangarap: 1) Matutong tumugtog ng piyano. 2) Basahin ang buong Aklat ni Mormon. 3) Maging isang doktor o piloto.

Ang mga Matulunging Kamay ni Raiarii

Mahilig bumisita ni Raiarii sa kanyang lola, si Mamy. Maaari siyang maglaro sa may dalampasigan at manghuli ng mga isda sa lawa. Kumakain siya ng mga mangga at saging mula sa mga puno. Ilang taon na ang nakararaan, nakilala niya ang mga kaibigan ni Mamy na sina Kali at Mia.

Tuwing umaga, magkasamang nagbabasa ng Aklat ni Mormon sina Raiarii at Mamy. Nagsimulang sumali sa kanila sina Kali at Mia. Tumulong si Raiarii sa pagpapaliwanag ng mga banal na kasulatan para madaling maunawaan ang mga ito.

Gustong-gusto ni Raiarii at ng kanyang mga kapatid na lalaki na tinutulungan si Kali na manghuli ng mga isda. Isang araw ay sinabi ni Raiarii, “Manalangin po tayo na tayo ay maging ligtas at makahuli ng maraming isda.” Noong araw na iyon, nakahuli si Kali ng napakaraming isda! Nagpasiya si Kali na palaging manalangin bago siya mangisda.

Naghahanda si Raiarii na mabinyagan. Ikinuwento niya kay Kali ang tungkol dito. Pagkatapos, ang mga missionary ay dumating at tinuruan nila sina Kali at Mia ng iba pa tungkol sa ebanghelyo. Nang mabinyagan sina Kali at Mia, naroon si Raiarii. “Natutuwa po ako na gusto ni Kali na sundin ang mga halimbawa ni Jesus,” sabi niya.

Mga Paborito ni Raiarii

Lugar: Bahay ni Mamy

Kuwento tungkol kay Jesus: Nang pakainin Niya ang maraming tao sa pamamagitan ng dalawang isda at limang tinapay

Awitin sa Primary: “I Know That My Savior Loves Me [Alam Ko na Ako ay Mahal ng Aking Tagapagligtas]” (Friend, Marso 2015)

Pagkain: Sashimi na gawa sa sariwang isda mula sa karagatan at tsokolateng keyk mula sa resipe ng kanyang lolo’t lola-sa-tuhod

Kulay: Pula

Klase sa paaralan: Matematika

Friend Magazine, Global 2021/02 Feb

Mga paglalarawan ni Maarten Lenoir