Minamahal na mga Kaibigan,
Sa taong ito ang Linggo ng Palaspas ay sa huling Linggo ng Marso. Iyon ang panahong ipinagdiriwang natin ang araw na dumating si Jesus sa Jerusalem sakay ng isang asno. Nagwagayway ang mga tao ng palaspas at sumigaw ng “Hosana!” Makalipas ang ilang araw, nagdusa si Jesus at namatay para sa atin. Pagkatapos, Siya ay nabuhay na mag-uli! Umaasa kami na gugunitain ninyo ang espesyal na panahong ito upang maalaala ang ginawa ng Ama sa Langit at ni Jesus para sa atin (tingnan sa Juan 3:16). Dahil sa Kanila, tayong lahat ay muling mabubuhay!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
P.S. Ilang pahina ang nakita ninyo sa isyung ito tungkol kay Jesus?
Gumawa ng Sarili Mong Bangka
Nalaman ko kung paano gumawa ng bangka si Nephi (Pebrero 2020), kaya gusto kong maunawaan kung ano ang nadama niya. Noong una mahirap ito, pero natuto akong huwag sumuko at magtiwala sa Panginoon na tulad ni Nephi.
Ian D., edad 9, Veracruz, Mexico
Kung Saan Natin Binabasa ang Kaibigan
Gustung-gusto naming binabasa ang Kaibigan! Tinutulungan kami nitong madamang hindi kami nag-iisa dahil kami lang ang mga miyembro ng Simbahan sa aming lungsod. Binabasa namin ito sa wikang Aleman at Dutch dahil ang aming Inay ay mula sa Netherlands at ang aming Itay ay mula sa Germany.
Lars at Torben S., edad 5 at 3, Lower Saxony, Germany
Templo’y Ibig Makita
Nakatira kami malapit sa Barranquilla Colombia Temple at binibisita namin ito kada dalawang linggo. Tinutulungan kami nitong maalala ang mga tipang gagawin namin sa Ama sa Langit.
Puerto Colombia Branch Primary, Colombia