Mula sa Unang Panguluhan
Siya ay Nagbangon!
Hango mula sa “Siya ay Nagbangon,” Liahona, Abril 2013, 4–5.
Ang Pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo ay nagbibigay sa atin ng pag-asa. Nagkaroon ako ng pag-asa sa araw ng tag-init ng 1969 noong pumanaw ang nanay ko. Nalungkot ako dahil pansamantala akong nawalay sa kanya.
Ngunit masaya ako nang sinabi sa akin ng Espiritu Santo na totoo ang Pagkabuhay na Mag-uli. Kaya kong ilarawan kung ano ang pakiramdam ng makitang muli ang aking ina at mga mahal sa buhay balang-araw.
Si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli. Dahil sa Kanya, lahat ng anak ng Ama sa Langit na isinilang sa mundo ay mabubuhay na mag-uli sa isang katawang hindi kailanman mamamatay.
Ang Kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay
Gupitin ang mga kard at idikit ang mga ito sa papel. Butasan ang mga bilog at itali gamit ang pisi. Ngayon ay mayroon ka nang isang storybook ng Pasko ng Pagkabuhay!
-
Dumating si Jesucristo sa lungsod ng Jerusalem sakay ng isang asno. Ang mga tao ay nagpuri sa Kanya at naglatag ng mga palaspas sa lupa. (Tingnan sa Marcos 11:1–11.)
-
Binisita ni Jesus ang templo. Pinagaling Niya ang mga taong lumpo at bulag. (Tingnan sa Mateo 21:12–14.)
-
Binayaran ng mga naiinggit na saserdote ang isa sa mga disipulo ni Jesucristo na si Judas Iscariote ng 30 pilak para isuko Siya sa kanila. (Tingnan sa Mateo 26:14–16.)
-
Kumain si Jesus ng hapunan ng Paskua kasama ang Kanyang mga disipulo. Ibinigay Niya sa kanila ang sakramento para tulungan silang alalahanin Siya. (Tingnan sa Mateo 26:19–20, 26–28.)
-
Nagpunta si Jesus sa Getsemani para manalangin sa Ama sa Langit. Doon ay nagsimula Siyang magdusa para sa ating mga kasalanan. Dumating ang mga taong may dalang mga espada at dinakip Siya. (Tingnan sa Mateo 26:36–50.)
-
Nagdusa si Jesus at namatay sa krus. Nakahimlay ang Kanyang katawan sa isang libingan na may malaking bato sa harapan ng pintuan. (Tingnan sa Mateo 27:27–35, 57–60.)
-
Iginulong palayo ng mga anghel ang bato. Sinabi nila kay Maria Magdalena at sa iba pang kababaihan na nabuhay na mag-uli si Jesus. Nagpakita si Jesus sa mga kababaihan, at sinamba nila Siya. (Tingnan sa Mateo 28:1–10.)
-
Nagpakita si Jesus sa Kanyang mga disipulo. Hinipo nila ang Kanyang nabuhay na mag-uling katawan. Sinabi Niya sa kanila na ituro sa lahat ang Kanyang ebanghelyo. Si Jesucristo ay muling nagbangon, kung kaya’t tayo rin ay muling magbabangon! (Tingnan sa Lucas 24:36–43; Mateo 28:16–20.)