2021
Alamin Kung Ano ang Doktrina at mga Tipan
Marso 2021


Alamin Kung Ano ang Doktrina at mga Tipan

Product Shot from March 2021 Friend Magazine

Nagbigay si Jesus kay Joseph Smith ng mga espesyal na mensahe na tinatawag na mga paghahayag para tumulong sa pagtatayo ng Kanyang Simbahan. Ang mga mensaheng ito ay isinulat para maalala ng mga tao. Pagkatapos ay tinipon ng mga lider ng Simbahan ang mga mensaheng ito sa isang aklat. Ganyan natin nakuha ang Doktrina at mga Tipan!

Mga Mensahe mula kay Jesus

Kapag binabasa mo ang Doktrina at mga Tipan, binabasa mo ang mga salita ni Jesucristo. Itugma ang bawat banal na kasulatan sa espesyal na mensaheng itinuro ni Jesus sa Doktrina at mga Tipan.

  1. Binyag

  2. Ang sakramento

  3. Gawaing misyonero

  4. Kapangyarihan ng Priesthood

  5. Mga Templo

  1. Doktrina at mga Tipan 84:17

  2. Doktrina at mga Tipan 138:47–48

  3. Doktrina at mga Tipan 20:76–79

  4. Doktrina at mga Tipan 20:72–74

  5. Doktrina at mga Tipan 112:28

Mas Marami pang mga Mensahero

Ang iba pang mga espesyal na bisita mula sa langit ay nagdala rin ng mga mensahe. Maitutugma mo ba ang mga bisita sa kanilang ginawa?

  1. Moroni (Doktrina at mga Tipan 128:20; Joseph Smith—Kasaysayan 1:30–34)

  2. Juan Bautista (Doktrina at mga Tipan 13)

  3. Moises, Elias, at Elijah (Doktrina at mga Tipan 110:11–16)

  1. Ipinanumbalik na mga susi ng priesthood para sa ating panahon

  2. Sinabi kay Joseph Smith kung paano mahahanap ang mga lamina sa Burol ng Cumorah

  3. Ipinanumbalik ang awtoridad ng priesthood na makapagbinyag

Mga sagot: 1-d, 2-c, 3-e, 4-a, 5-b, 6-g, 7-h, 8-f

Mga paglalarawan ni Nasan Hardcastle