Manatiling Ligtas LABAN sa Media
Magagandang Tanong
Paano mo malalaman kung ano ang mabuting panoorin, basahin, at pakinggan? Narito ang ilang tanong na makakatulong sa iyo na piliin ang tama:
-
Tinutulungan ba ako nitong madama ang Espiritu Santo?
-
Tinutulungan ba ako nitong sundin si Jesus?
-
Ano ang madarama ko kung kasama ko ang Tagapagligtas?
Isang Plano para Lumayo
Ano ang gagawin mo kapag nakakita ka ng media na hindi maganda? Bumuo ng plano para alam mo ang gagawin mo!
-
Patayin ang cellphone, kompyuter, tablet, o TV.
-
Magsabi sa magulang o pinagkakatiwalaang matanda kung ano ang nakita mo at humingi ng tulong sa kanila. Masasagot nila ang mga tanong mo at matutulungan ka nila.
-
Gumawa ng bagay na positibo. Maaari kang kumanta ng isang awitin sa Primary, magbasa sa isang kapatid, o maglaro sa labas kasama ang isang kaibigan.
Ituon ang Isipan sa Positibo
Matutulungan ka ng teknolohiya na makagawa ng maraming mabubuting bagay. Anong mabubuting bagay ang nagagawa mo sa tulong nito?
Narito ang ilang ideya!
-
Makipag-video chat sa pamilya.
-
Gumawa ng family history.
-
Matuto ng bagong bagay.
-
Manood o makinig ng isang bagay na nagpapasaya sa iyo.
-
Bisitahin ang website ng Kaibigan.