Kaibigan sa Kaibigan
Magtiwala sa Propeta
Mula sa isang panayam ni Haley Yancey.
Noong bata pa ako, kasama ko sa iisang ward si Pangulong Nelson. Siya ang aking stake president. May kalakihan ang ward, kaya palagay ko ay hindi niya talaga ako kilala.
Ngunit nagkaroon ako ng espesyal na karanasan na kasama siya nang maging deacon ako. Gusto ko talagang maging mapitagan nang magpasa ako ng sakramento. Nadama kong mahalaga ito. Kaya sinikap kong magpakita ng paggalang sa sakramento tuwing Linggo.
Naglalakad ako pauwi mula sa simbahan isang Linggo nang pumarada sa tabi ko ang isang kotse. Ibinaba ng nagmamaneho ang bintana. Iyon ay si Pangulong Nelson! Sabi niya, “Napansin ko na mapitagan ka nang ipinapasa mo ang sacrament. Salamat sa paggawa niyon.”
Puwedeng hindi niya maalaala na sinabi niya iyon. Pero hinding-hindi ko iyon malilimutan. Nag-ukol siya ng oras para sabihin sa akin na sa palagay niya ay may nagawa akong mabuting bagay. Napakahalaga nito sa akin.
Alam ko na si Pangulong Nelson ay propeta ng Diyos. Alam ko na dakila ang kanyang pamumuhay na naghanda sa kanya kung nasaan siya ngayon. Alam kong tumatanggap siya ng paghahayag para pamunuan ang Simbahan. Kung susunod tayo sa kanya, pagpapalain tayo.
Mga Salita ng Ating Propeta
Gupitin ang bawat pahayag na ito mula kay Pangulong Nelson. Maaari mong isulat ang sarili mong mga tala na naririnig mo! Gumawa ng isang maliit na butas sa itaas ng bawat sinabi niya at talian ito ng pisi. Itali ang pisi sa isang hanger o patpat.
“Kapag pinili ninyong mabuhay sa panig ng Panginoon, hinding-hindi kayo nag-iisa.”1
“Bawat araw ay araw ng pagpapasiya, at ang ating mga pagpapasiya ang magtatakda ng ating tadhana.”2
“Ang Aklat ni Mormon ay kaloob ng Diyos sa buong sangkatauhan.”3
“Kapag sinusunod natin si Jesucristo, kikilos tayo kung paano Siya kikilos at magmamahal kung paano Siya magma-mahal.”4
“Manalangin na magkaroon ng mga mata na makakakita sa kamay ng Diyos sa inyong buhay at sa mundong nakapaligid sa inyo.”5