Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Bumisita si Elder Uchtdorf sa Germany
Ang mga Apostol ay nagmi-minister o naglilingkod sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo at tinuturuan sila tungkol kay Jesucristo.
Noong Oktubre 2019, nagpunta si Elder Dieter F. Uchtdorf, kasama ang kanyang asawang si Harriet sa Germany para sa muling paglalaan ng Frankfurt Germany Temple.
Sarado ang templo para sa pagkukumpuni nito. Pagkatapos nito, kailangang muling ilaan ito.
Una ay nagkaroon ng open house. Kahit sino ay maaaring pumunta. Nagsusuot sila ng supot ng sapatos bago sila lumakad sa loob ng templo.
Pinulong din nina Elder at Sister Uchtdorf ang mga kabataan. “Kapag pumupunta kayo sa templo, palaging isipin ang tungkol kay Jesucristo at kung gaano Siya kahalaga sa inyo!” sabi ni Elder Uchtdorf.
Nagbigay si Elder Uchtdorf ng espesyal na panalangin para ilaan ang templo. Pagkatapos nito, ang templo ay isa na muling bahay ng Panginoon!
“Ang paglalaan ng bahay ng Panginoon ay panahon ng kagalakan. Ito ay panahon ng pasasalamat.” *