Ipakita at Ikuwento
Nagsisimba kami sa kanayunan at nakakita kami ng mga pato at manok! Nagpapasalamat ako sa mga hayop na nilikha ng Diyos.
Boris M., edad 9, Corrientes, Argentina
Noong nagsimba kami sa bahay, itinuro ko sa pamilya ko ang tungkol sa pagniningning na parang isang bituin. Lahat ay gumawa ng bituin at isinulat doon kung paano sila magliliwanag.
David A., edad 8, Florida, USA
Tinutularan ko ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagtulong sa iba.
Marjorie C., edad 7, Merseyside, England
Noong bininyagan ako, hindi ko agad nadamang espesyal ako, pero sinabi sa akin ng tatay ko na balang-araw ay mararamdaman kong espesyal ako. Ngayon, espesyal na ang pakiramdam ko tungkol dito.
Aidan T., edad 9, Alaska, USA
Sa oras ng tanghalian ay nadama kong huwag maglaro sa mga baras sa oras ng recess. Binalewala ko pa rin ang pakiramdam na iyon at naglaro sa mga baras. Nalaglag ako at nabali ang aking braso. Alam ko na bibigyan ako ng Espiritu Santo ng mga tahimik na babala.
McKade W., edad 11, Washington, USA
Marami ang pinagdaanan ng pinakamatalik kong kaibigan, at gumawa ako ng espesyal na regalo para sa kanya sa Pasko ng Pagkabuhay. Nang ibinigay ko ito, maganda ang pakiramdam ko dahil batid kong tinutulungan ko ang kaibigan ko.
Layla P., edad 10, Tasmania, Australia
Ang Sakramento
Kapag tinatanggap natin ang sakramento,
Humihingi tayo ng tulong sa Ama sa Langit na magsisi.
Upang linisin tayo mula sa kalungkutan at kasalanan,
Kung kaya’t tuwing Linggo ay maaari na tayong magsimulang muli.
Iniinom natin ang tubig at kinakain ang tinapay,
At pagkatapos ay tatandaan sa ating isip.
Dapat nating alalahanin si Jesus sa tuwina.
Nabubuhay tayo dahil namatay Siya para sa atin.
Madelyn R., edad 9, Utah, USA
Sophia A., edad 6, Paraná, Brazil
Scarlet H., edad 7, Alberta, Canada
Eliza S., edad 10, Idaho, USA
Ammon H., edad 10, Idaho, USA
Joshua M., edad 6, Hesse, Germany