2021
Pagtutulungan
Marso 2021


Pagtutulungan

boy and mom working in garden

Kinuha ni Caleb ang kanyang pala. Oras na para magtrabaho sa halamanan!

Tinulungan niya si Inay na bitbitin ang mga kagamitan. May maliit na kalaykay. At may pala rin para kay Inay. Handa na silang magtrabaho.

Naglakad sina Inay at Caleb papunta sa halamanan. Ay naku! Puno ito ng damo! May mga maliliit at nakakatusok na damo. At may mga matataas at maninipis na damo. Napakaraming mga damo!

Pero alam ni Caleb kung ano ang gagawin. Agad siyang nagtrabaho. Naghukay si Caleb sa ilalim ng mga damo. Pagkatapos ay binunot ni Inay ang mga damo mula sa lupa. Nakabuo sila ng isang mahusay na team! Hindi naglaon at mayroon na silang malaking bunton ng damo.

Oras na para magpahinga. Uminom ng maraming tubig si Caleb.

“Ano po ang gagawin natin kapag wala na ang damo?” tanong ni Caleb.

Pinagpag ni Inay ang lupa sa kanyang mga kamay. “Kapag wala na ang damo, maaari na tayong magtanim ng mga binhi. Gaya ng mga kamatis at beans at—”

“At mais?” tanong ni Caleb. Mahilig siya sa mais.

“At mais,” sabi ni Inay. “Hindi natin dapat kalimutan iyan!”

Tumayo si Caleb. “OK. Balik na po tayo sa trabaho.” Dinampot niya ang kanyang pala. Kailangan niyang gumawa ng puwang para sa mga halamang mais.

Naghukay nang naghukay si Caleb. Mahirap itong gawin. Pero masipag si Caleb. Magagawa niya ang mahihirap na bagay. Magkasama sila ni Inay na bumuo ng isa pang tumpok ng mga damo. At ng isa pa. At ng isa pa. Napakaraming mga damo!

Sa huli ay nabunot na nina Caleb at Inay ang lahat ng damo. Humiga si Caleb sa damo. Pagod na pagod siya! Humiga si Inay sa tabi niya.

“Ang sipag mo,” sabi ni Inay. “Aabutin ako nang maghapon sa mga damong iyon. Ginawa mo itong mabilis at masaya.”

Ngumiti nang todo si Caleb. Si Caleb ay masipag magtrabaho. “Mainam kapag nagtutulungan tayo.”

Product Shot from March 2021 Friend Magazine

Mga paglalarawan ni Christine Grove