Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Bata
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Para sa Doktrina at mga Tipan 20–22: Tulungan ang inyong mga musmos na magsabi ng, “Nabibilang ako sa Simbahan ni Jesucristo.” Turuan sila na gumawa ng mga hugis ng isang gusali ng Simbahan gamit ang kanilang mga kamay, o tulungan silang magdrowing ng larawan ng kanilang sarili habang nagsisimba.
Para sa Doktrina at mga Tipan 23–26: Tulungan ang inyong mga musmos na magsabi ng, “Pinapaligaya ako ng musika.” Pagkatapos ay pumili ng isang awitin mula sa Aklat ng mga Awit Pambata para kumanta nang magkakasabay. Tulungan ang inyong mga anak na matutuhan ang ilan sa mga titik ng awitin.
Para sa Doktrina at mga Tipan 27–28: Maghanap ng isang bagay na maaaring isuot ng inyong mga anak bilang kunwa-kunwariang helmet at isang bagay na maaari nilang hawakan tulad ng kalasag. Magmartsa sa paligid at tulungan ang inyong mga musmos na magsabi ng, “Tinutulungan ako ng baluti ng Diyos na manatiling ligtas.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 29: Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Buhay si Jesus!” Ipakita sa kanila ang larawan ng nabuhay na mag-uling si Cristo. Pagkatapos ay ipakita sa kanila ang mga larawan ng mga miyembro ng pamilya na namayapa na. Pag-usapan kung paano mabubuhay na muli ang lahat balang-araw dahil nabuhay na mag-uli si Jesus.