Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Victoria mula sa United Arab Emirates
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
HELLO,HEI, at BONJOUR
Lahat ng tungkol kay Victoria
Edad: 5
Mula sa: United Arab Emirates
Mga Wika: Ingles, Finnish, at French
Mga mithiin at pangarap: 1) Maging isang doktor. 2) Maging isang alagad ng sining. 3) Tiyaking lahat ay may malinis na tubig.
Pamilya: Inay, Itay, nakababatang kapatid na lalaki at babae na sina Elisabeth at Christopher
Ang mga Matulunging Kamay ni Victoria
Gusto ni Victoria na maghanap ng mga paraan para maipakita ang kanyang pagmamahal. Kung minsan ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang kard na gawang-kamay, yakap, o maging sa pagbabahagi ng kanyang pagkain.
Sa eskuwelahan ay madalas siyang umawit ng “Ako ay Anak ng Diyos” nang malakas. Hindi naglaon ay nalaman ng lahat ng guro sa kanyang paaralan ang mga titik ng kanta. Kung minsan ay sumasabay pa sila sa pag-awit.
Nang magsara ang mga paaralan dahil sa COVID-19, naalala ng kanyang mga guro ang awit ni Victoria. Itinanong nila kung maaari siyang magpadala ng video ng kanyang sarili na umaawit ng “Ako ay Anak ng Diyos” para mapasaya sila. Nagpasiya si Victoria at ang kanyang nakababatang kapatid na babae na magkasama nilang kakantahin ang awitin sa video. Nais nilang gulatin ang kanilang mga guro at tulungan silang ngumiti, kung kaya’t pinag-aralan nilang awitin din ito sa wikang Arabic!
Mga Paborito ni Victoria
Lugar: ang palaruan
Kuwento tungkol kay Jesus: Noong Siya ay nabuhay na mag-uli sa Pasko ng Pagkabuhay
Awitin sa Primary: “Ang Katapangan ni Nephi” at “Templo’y Ibig Makita” (Isang bagong templo ang itatayo sa UAE!)
Pagkain: dumpling
Mga Kulay: ginto, pilak, kulay-rosas, at lila
Mga asignatura sa paaralan: sining at matematika