Para sa mga Mas Nakatatandang Bata
Family History Corner
Interbyuhin ang iyong lolo o lola o iba pang kapamilya! Una, magsulat ng isang listahan ng mga tanong. Pagkatapos ay kausapin ang iyong kapamilya nang personal o sa telepono at magtanong. Puwede kang gumamit ng app para mai-save ang pag-uusap ninyo.
Isang Panalangin para sa Tulong
Medyo galit ako sa mga magulang ko sa hindi pagpayag na gawin ko ang isang bagay. Nagpunta ako sa kuwarto ko at nagdasal, hinihiling sa Ama sa Langit na tulungan akong maging mas mahinahon. Alam ko na kapag nagdarasal ka sa Ama sa Langit nang may pananampalataya, sasagutin Niya ang iyong mga dalangin.
Sara S., edad 10, Utah, USA
Tip para sa Paghahanda sa Templo: Alalahanin ang Iyong Binyag
Sa loob ng templo, nagsasagawa tayo ng mga binyag para sa mga namatay nang hindi nagkaroon ng pagkakataong mabinyagan noong nabubuhay pa sila. Ang pag-alaala sa iyong binyag ay makatutulong sa iyo na maunawaan kung gaano kasaya ang mga taong kinatawan nating binyagan sa templo! Isulat kung ano ang naaalala mo tungkol sa iyong binyag.