2021
Maging Mabait
Hunyo 2021


Mula sa Unang Panguluhan

Maging Mabait

Hango mula sa “Mga Magulang at mga Anak,” Liahona, Nob. 2018, 61–67.

a boy and a girl reading together

May kilala akong binatilyo na isang refugee. Tinukso siya ng isang grupo ng iba pang kabataan dahil kakaiba siya. Tinukso nila siya dahil nagsasalita siya ng ibang wika. Hindi nalulugod ang Ama sa Langit kapag masungit o mapanakit tayo sa iba. Hindi magandang maging barumbado sa ibang tao, pagtulungan sila, o ayawan sila.

Mahal kong mga bata, kailangan ng ating mundo ang inyong kabutihan at pagmamahal. Maging mabait sa isa’t isa. Itinuro sa atin ni Jesus na pakitunguhan ang iba sa paraan na nais nating pakitunguhan tayo. Kapag ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya upang maging mabait, mas napapalapit tayo sa Kanya.

Kung masungit kayo sa kahit sinong tao—nag-iisa man kayo o kasama ng isang grupo—magpasiya na kayo ngayon na magbago. Hikayatin din ang iba na magbago.

Pinatototohanan ko si Jesucristo, ang ating Tagapagligtas, na nagturo sa atin na mahalin ang isa’t isa tulad ng pagmamahal Niya sa atin. Dalangin ko na nawa’y gawin natin ito.

Paano Magkaroon ng Isang Bagong Kaibigan

Friend Magazine, Global 2021/06 Jun

Paano ka nagpapakita ng kabaitan sa isang bagong kakilala? Paano kung nagmula siya sa ibang bansa? Para sa bawat hakbang, magsulat ng iyong sariling ideya.

  1. Ngumiti at bumati.

    • “Magandang araw! Ano’ng pangalan mo?”

    • “Natutuwa ako’t nasa klase ka namin.”

    • ________________________________

  2. Isipin kung ano ang maaaring nararamdaman niya:

    • Nahihiya dahil wala pa siyang kaibigan o dahil ibang wika ang gamit niya.

    • Malungkot dahil nangungulila siya sa kanyang tahanan.

    • Nag-aalala dahil ______________________.

  3. Anyayahan siya.

    • “Gusto mo bang makipaglaro sa amin?”

    • “Umupo tayo nang magkatabi.”

    • ____________________________

  4. Maging mabait at matulungin.

    • “Gusto mo bang sumama sa akin sa pagkain ng tanghalian.”

    • “Ito ang susunod na gagawin natin.”

    • _______________________________

  5. Matuto mula sa kanya.

    • “Ano ang paborito mong laro?”

    • “Paano mo sinasabi iyan sa iyong wika?”

    • _________________________________

  6. Kung nakita mong may gumagawa ng hindi maganda sa kanya:

    • Ipagtanggol siya.

    • Kausapin siya o makipaglaro sa kanya.

    • ____________________________

Friend Magazine, Global 2021/06 Jun

Mga paglalarawan ni Abby Carter