Pagtulong Tulad ni Jesus
Naglingkod si Jesus sa Iba
Matapos kainin ni Jesucristo ang Kanyang huling hapunan kasama ng Kanyang mga disipulo, hinugasan Niya ang kanilang mga paa. Nagulat sila dahil Siya ang kanilang Panginoon at Guro. Sa isip nila ay sila dapat ang naghuhugas ng Kanyang mga paa. Ipinaliwanag Niya na ginawa Niya ito upang maituro sa kanila kung gaano kahalagang pangalagaan ang isa’t isa, maging ang mga taong tila hindi gaanong mahalaga. Itinuro ni Jesus na magiging masaya tayo kapag tumutulong tayo sa iba.
Sa pagdiriwang ng aking ikawalong kaarawan, nagdala ang lahat ng aking kaibigan ng ilang gamit sa pag-aaral, at sama-sama kaming gumawa ng mga kit para sa mga batang walang gamit sa pag-aaral. Nakaramdam ako ng matinding kaligayahan nang maisip ko kung gaano sasaya ang mga bata na makatatanggap ng mga kit na may lamang gamit sa pag-aaral. Gustung-gusto kong naglilingkod kasama ng aking mga kaibigan at pamilya. Alam ko na ang paglilingkod sa iba ay makapaghahatid sa atin ng kagalakan, kapayapaan, at pagmamahal.
Abigail H., edad 8, Utah, USA