2021
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Hunyo 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.

CTR sheild in German

Maaari Kayong Pumili

Para sa Doktrina at mga Tipan 60–62

  • Awitin ang “Sinisikap Kong Tularan si Jesus,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 40–41).

  • Binibigyan tayo ng Ama sa Langit ng mga kautusan. Nais din Niyang piliin natin na gumawa ng iba pang mabubuting bagay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 62:5, 7–8).

  • Basahin ang kuwento sa pahina 4 at pag-usapan ang tungkol sa pagpili ni Chung. Anong mabubuting pagpili ang ginawa ninyo ngayon? Sama-sama kayong gumawa ng isang kalasag na CTR upang mapaalalahanan kayo na piliin ang tama. Maaari ninyo itong iguhit sa isang poster o maaari ninyong gayahin ang hugis nito gamit ang mga bagay sa inyong tahanan.

girl and boy cutting out cards

Maaari Akong Maging Mapitagan

Para sa Doktrina at mga Tipan 63

  • Awitin ang “Paggalang ay Pagmamahal” (Aklat ng mga Awit Pambata, 12).

  • Itinuro ni Jesucristo, “Yaong nagmumula sa kaitaasan ay banal, at kailangang sambitin nang may pag-iingat” (Doktrina at mga Tipan 63:64). Nangangahulugan iyon na dapat tayong magpakita ng paggalang at pagmamahal sa Ama sa Langit at sa mga bagay na mahalaga sa Kanya.

  • Pumunta sa pahina 24 upang malaman ang iba pa tungkol sa paggalang. Pagkatapos ay sama-samang gawin ang aktibidad.

sister and brother takling together

Magmahal Tulad ni Jesus

Para sa Doktrina at mga Tipan 64–66

  • Awitin ang “Ama, Ako’y Tulungan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 52).

  • Itinuro ni Jesus na dapat nating patawarin ang lahat (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 64:9–10). Basahin ang kuwento sa pahina 20 upang malaman kung paano natutong magpatawad sa isa’t isa ang isang batang lalaki at ang kanyang ina.

  • Ngayon ay gumuhit kayo ng larawan ng inyong sarili, ng inyong pamilya, at ng Tagapagligtas. Pag-usapan ang mga paraan kung paano kayo makapagpapakita ng pagmamahal sa isa’t isa, tulad ni Jesus. Maaari kayong magsanay na humingi ng tawad at magpatawad sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagsasadula nito.

girl holding white blanket

Mga Paalala sa Binyag

Para sa Doktrina at mga Tipan 67–70

  • Awitin ang “Sa Aking Pagkabinyag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 53).

  • Itinuro ni Jesus na maaaring binyagan ang mga bata matapos silang tumuntong sa edad na walong taong gulang (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 68:27). Maaari ninyong basahin ang kuwento tungkol sa isang batang babaeng bininyagan sa pahina 16.

  • Maghanap ng mga bagay sa inyong tahanan na nagpapaalala sa inyo ng binyag. Maaaring ipaalala sa inyo ng isang tasa ng tubig kung paano tayo bininyagan sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig. Maaaring ipaalala sa inyo ng isang piraso ng puting tela na nagsuot tayo ng puting damit. Maaaring ipaalala sa inyo ng isang kumot ang mainit na pakiramdam ng Espiritu Santo. Ano pa ang mga naiisip ninyo?

cookies wrapped up as gift

Lihim na Paglilingkod para sa Bishop

Para sa Doktrina at mga Tipan 71–75

  • Awitin ang “Turuang Lumakad sa Liwanag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 70).

  • Itinuro ni Jesus na ang Kanyang Simbahan ay dapat magkaroon ng mga bishop na mamumuno at tutulong sa mga miyembro (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 72:2).

  • Magpasalamat sa inyong bishop o branch president sa pamamagitan ng paggawa ng isang mabuting bagay. Maaari kayong magsulat sa kanya ng isang espesyal na liham o magdala sa kanya ng masarap na pagkain. Maaari rin ninyo itong gawin nang hindi ipinaaalam sa kanya kung sino ang gumawa nito!

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill