Paggalang sa mga Banal na Bagay
“Yaong nagmumula sa kaitaasan ay banal” (Doktrina at mga Tipan 63:64).
Ang ibig sabihin ng salitang banal ay sagrado at espesyal. Nais ng Ama sa Langit na magpakita tayo ng paggalang sa mga banal na bagay na ibinigay Niya. Ang pagpapakita ng paggalang ay nakatutulong sa atin na maramdaman ang Kanyang pagmamahal para sa atin.
Mga Paraan upang Makapagpakita ng Paggalang
-
Nakapagpapakita ako ng paggalang saparaan ng aking pagsasalita.
-
Nakapagpapakita ako ng paggalang saparaan ng aking pagkilos.
-
Nakapagpapakita ako ng paggalang saparaan ng aking pag-iisip at pakiramdam.
-
Nakapagpapakita ako ng paggalang saparaan ng aking pagtrato o pangangalaga sa mga banal na bagay.
Aktibidad
-
Gupitin ang mga kard ng mga banal na bagay at ilapag ang mga ito nang nakataob.
-
Maghalinhinan sa pagpili ng isang kard. Sabihin kung bakit mahalaga sa iyo ang banal na bagay sa kard.
-
Para sa bawat kard, pumili ng isang opsiyon mula sa “Mga Paraan upang Makapagpakita ng Paggalang” at sabihin kung paano ka makapagpapakita ng paggalang sa banal na bagay na iyon.
-
Jesucristo
-
Mga templo
-
Sakramento
-
Mga banal na kasulatan
-
Mga gusali ng Simbahan
-
Mga miting sa Simbahan
-
Mga propeta
-
Ang daigdig